Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Annabelle Rama banas kina Remulla, Sonza, ‘Makuleta’

0 1,112

Pinatamaan ni Annabelle Rama ang tatlong kontra sa ABS-CBN franchise renewal na sina Deputy Speaker Rodante Marcoleta, Cavite Rep. Crispin Remulla at dating mamamahayag na si Jay Sonza.

Sa ilang tweet ni Rama, tinawag nitong ‘Makuleta’ si Marcoleta, at sinabi pang hindi kinakaya ang malakas na boses ni Remulla na para umanong laging galit sa mga hearing.

“I’m watching now ABS Franchise Hearing sa congress. Ang comment ko kay Cong. Remulla bakit ka laging sumisigaw at galit na galit habang tinatanong mo ang pinaka cool na si Carlo Katigbak? Ang sakit sa ulo at sa tainga ko yung [boses] mo magkalapit lang kayo di ba?” saad ng Gutierrez clan matriarch.

“Pareho lang kayo ni Cong. Makuleta, lagi nalang galit. Pag sumasagot ang mga taga Abs-cbn sa tanong mo lagi mong kina-cut hindi mo pinapatapos ang sagot. Ano ba yan para kayong hindi congressman naluma nyo si Trump sana kaunting Respeto sa mga bisita nyo,” aniya pa.

Bumwelta din ito kay Sonza, na isa sa naging resource person sa nasabing pagdinig ng committee on legislative franchises at good government and public accountability.

“Pinapatulan nyo pa ang matagal ng laos na hindi maintindihan ang sinasabi parang ngongo. Palagi mong tinatanong si Mr. Katigbak kung nag sasabi ba sya ng totoo. Sinagot ng Yes ayaw mo pa rin maniwala parang mga criminal ang kaharap nyo hindi nakakatuwa,” giit pa ni Rama.

Dahil hindi na kinaya ang mga naririnig ay nilipat na lamang umano ni Rama ang palabas at hindi na tinapos ang hearing.

“Pinapatay [ko na] ang tv ko manunuod nalang ako ng news marami pa akong matututunan,” pakli pa nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.