Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Annabelle sinubpoena ng NBI

0 106

Naglabas ang National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena laban sa talent manager na si Annabelle Rama.

Kaugnay ito sa isinampang cyber libel complaint laban sa kanya ng dating alalay ni Senador Manny Pacquiao na si Jayke Joson.

Ayon sa ulat, ipinadala na ng NBI Special Projects Team ang subpoena nitong Huwebes pero isang village security guard ang tumanggap nito.

SM food to go Banner Ad

Ipinatawag si Rama ng NBI upang ilahad ang kanyang panig sa Nobyembre 3 nang alas-2:00 ng hapon.

Nag-ugat ang kaso sa mga social media post ni Rama kung saan inakusahan umano niya si Joson na magnanakaw ng pera ni Pacquiao.

Sinikap ng Tonite na mahingan ng reaksyon ang kampo ni Rama subalit hindi ito makontak kagabi. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.