Anne, aura-aura sa Mediterranean

188

SINULIT ni Anne Curtis ang kanyang pagbiyahe sa Italya.

After um-attend sa kasal ng kaibigang si I­sabelle Daza-Semblat sa Tuscany ay segue sila ng boyfie niyang si Erwan Heussaff sa iba pang parte ng Italy.

Nag-feeling locals sila sa Siena at sumalampak sa grounds ng Pia­zza del Campo, na para silang teenage lovers na nagsu-sweet moment.

Nag-firenze rin ang magsyota kasama ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

May sweet pic ang ErwAnne sa may Pia­zza del Duomo, tapos ay nag-food trip sila sa Florence ng walang humpay na pasta, pizza at bistecca.

Nagpunta rin sila sa ancient city ng Pompei (na natabunan ng abo nu’ng sumabog ang Mount Vesuvius), tapos ay tumuloy sila sa Amalfi Coast na manghang-mangha ang magkasintahan sa ganda ng view.

Anne Curtis
Anne Curtis

Kahit sa morning run ni Anne sa treadmill ay gandara ang kanyang view mula sa tinulu­yan nilang Palazzo Avino.

Gandang-ganda si Anne na mala-postcard na seaside scenery sa Positano.

Sumakay sila ng boat at in-explore pa ang Amalfi Coast. Inilabas ni Anne ang kanyang swimwear at nag-plunge siya sa blue waters ng Mediterranean.

Aura-aura ang Anne sa kanyang two-piece na vintage ang peg ng bikini at hindi revealing.

***

Nico ­Bolzico at Solenn Heussaff
Nico ­Bolzico at Solenn Heussaff

Sina Solenn at Nico ay nag-beach din sa Portofino.

Hunk na hunk ang Argentinian hubby sa shot ni Sos na wapak ang abs nito.

Rumampa rin ang magdyowa sa Cinque Terre, kung saan hubad kung hubad ulit si Nico habang nakabilad ang katawan sa araw.

Panay din ang food trip ng mag-asawa, na mula Portofino ay nag-side trip pa ng Milan bago umuwi ng ‘Pinas.

Mukhang hindi invi­ted sina Anne at Solenn sa kasal ni Cristalle Belo-Pitt sa Lago de Como.

***

Ang ‘It Girl’ lang na nag-segue sa wedding nina Mr. & Mrs. Pitt ay ang very much preggers na si Georgina Wilson-Burnand, na mula sa kasal ni Isabelle sa Tuscany ay tumuloy ng Lake Como.

Interesting na su­baybayan ang ‘Anneventures’ ni Anne sa kanyang Snapchat at Instagram, pati na rin ‘yung kina Nico at Solenn.

Bukod sa ang gagan­da nilang pagmasdan ay exciting ang trips and adventures nila abroad.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...