Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne ayaw pakabog kina Liza, Kathryn

0 70

NI; BETH GELENA

SI Anne Curtis ang celebrity mom na kinaiinggitan ng ibang celebrity momma.

Eh, para naman kasing hindi nanganak itong misis ni Erwan Heussaff.

Aba, kayang-kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga single celebrities like Kathryn Bernardo, Liza Soberano,Yassi
Pressman, Nadine Lustre, among others nang naka-two piece bikini.

Sa beach getaway ng family ni Anne, she flaunted her toned abs na kinainggitan ng mga netizen.
Kasabihan nga ng mga netizen na kapag inggit… pikit.

Hindi kasi napigilan ng mga netizen ang mapa-sana all nang makita nila ang sexy body ng momshie ni Dahlia .
Umani ng sanlaksang likes at komento sa.socmed account ni Anne sa loob lang ng ilang oras pagkatapos mai-upload ang mga photo sa kanyang social media pages.

Una na rito si Angel Locsin, na nakataas ang kamay emoji.

Sina Raymond Gutierrez at Bea Soriano Dee naman ay nag-iwan naman ng fire emojis.

Komento naman ni Mariel Ridriguez, “mom body goals.”

Halos two years nang hindi napapanood si Anne mula nang tumungo siya sa Auatralia nu’ng December 2019 para doon manganak.

Sa darating na June ay balik na si Anne sa spotlight.

Magkakaroon siya ng Luv-Anne! concert na gaganapin sa Resorts World Manila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.