Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne balik-Kapuso: kalma lang

0 301

Tinatanong ngayon ng mga fan si Anne Curtis kung lilipat/babalik ba ito sa GMA-7 dahil sa post ng GMA executive na si Joey Abacan tungkol sa naging meeting nila with the actress.

Sa nasabing post ay makikita rin sa meeting si GMA Films President Annette Gozon Valdes at ang mga Viva executives na June Rufino, Val del Rosario, Veronique del Rosario and Vincent del Rosario. Ang Viva ang humahawak ng career ng aktres.

Caption ni Joey, “thank God for a very productive afternoon! Very refreshing to see you again @annecurtissmith.”

Sa malas ay magko-co-produce ang Viva at GMA Films for a movie with Anne.

Sa Twitter ay tinanong na agad ng isang fan si Anne tungkol sa nasabing meeting at sumagot naman agad ang aktres.

“@annecurtissmith please tell us na gma films lang at hindi ka lilipat sa gma,” sey ng fan.

Sagot ni Anne sa fan, kalma lang daw. Pelikula raw ito at hindi pa naman sure.

“Hahaha Yes. Kalma. They pitched a film for next year na hindi pa naman sure yet. As always, I need to read the script first before making a decision,” aniya.

Dati na raw siyang gumawa ng pelikula na co-produced ng GMA Films and Viva Films.

“The last viva x gma film I did was IN YOUR EYES with Ate Claudine & Richard. I was already a Kapamilya then. So Kalma Lang,” sey niya.

Isa pang announcement ni Anne kahapon na ikinatuwa ng mga fan niya ay ang pagbabalik niya sa It’s Showtime.

“And isa pa, babalik pa ako sa It’s Showtime So kalma lang madlang peeps!!!!” deklara ni Anne.

Matatandaang umalis si Anne sa It’s Showtime noong buntis siya kay Dahlia in 2019 for a maternity leave. Nanganak siya sa Australia at nagkataong nagkaroon ng pandemic kaya hindi pa siya nakakabalik sa show plus nag-focus siya sa pagiging mommy.

SM food to go Banner Ad

James naging robot sa acting project

Inamin ni James Reid na mas pinili niyang magpahinga muna sa pag-arte para makapag-concentrate sa music. Bagama’t sa pag-arte siya talaga sumikat nang husto kasama ang ka-loveteam na si Nadine Lustre, ayon sa aktor ay parang may hinahanap pa rin siya.

“I’ve reached a level of fame, I’m not exactly sure how, but I reached a certain level of fame but it wasn’t as rewarding as I thought it would be,” ani James sa kanyang panayam sa vlog ng The Juans.

“What I did crave was that artistic expression. I didn’t want people to recognize me for who I am like my name or the fame. It was for the things that I did or that I created myself. So I’m kind of I’m going in reverse,” pahayag ni James.

“I was lucky enough to go down the path that I went and I feel like I’m going the other way, so it’s kind of weird,” dagdag pa niya.

Aminado rin naman siyang minahal niya ang acting pero dumating na raw sa puntong, naging paulit-ulit na lang.

“I loved acting. But you know, sometimes, after doing teleserye, teleserye, it gets repetitive and I felt like you know, kind of robotic, you know. And I craved something that came from me, that I could really express, I wasn’t just following instructions. It wasn’t feeding my soul,” sey pa niya.

Pag-amin pa ng aktor, “it was difficult for me to step away from all of that, you know, because I was in a very good place but I stepped away from doing that.”

At nagtayo na nga si James ng sarili niyang recording label, ang Careless Music, nagsulat ng mga sarili niyang kanta at nag-release ng album.

“It was purely because I wanted creative control. I didn’t know it was going to go this far. The first project I did was ‘Palm Dreams.’ It was my first time to write a whole album, completely original. We weren’t trying to make a number one album, a mainstream album. I was just making music that I like,” he said.

Hanggang sa nagkaroon na siya ng sariling artist.

“One thing led to another. I brought [Brett] Jackson, he came onboard as my very first artist. From there, it just grew out. It started out as just friends making music together. Once you share that vision, everything else starts coming together,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.