Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne bet bumida sa Koreanovela

0 49

NI: Archie Liao

Maraming faney ang nag-react sa Twitter post ni Anne Curtis tungkol sa pagka-miss niya sa paggawa ng pelikula at serye.

Huling serye na ginawa ni Anne ang Dyesebel noong 2014, samantalang last movie niya ay ang MMFF movie na The Mall, The Merrier with Vice Ganda.

Ayon kay Anne, dahil sa fascination niya sa Netflix at K drama, bet din niyang gumawa ng series.Pero, iyong tipong Koreanovela na good for 12-16 episodes lamang.

“Good Morning! Don’t worry! I’m already in search a for a really good script! Kaya May ilang pitching ang nagaganap Sparkling heart I also miss doing films and yes, series too! Pero gusto ko Ung mga 12 -16 eps na series,” sey ni Anne sa kanyang post.

SM food to go Banner Ad

Hirit naman ng mga faney, hindi raw malabong mangyari ito lalo pa’t meron namang ginagawang series ang iWant at maging ang Vivamax.

Puwede rin daw na magkaroon ng collaboration ang kanyang management company sa Korean producers.

Baka raw bet din nitong maging producer ng nasabing proyekto kung sakali.

Kung nagawa raw ng Viva ito kay Bela Padilla sa kanyang unreleased movie na Ultimate Oppa with Kim Gun-Woo, posible rin daw itong mangyari kay Anne.

After all, madali raw namang makapag-adjust ang aktres dahil fan ito ng K-drama .Sobra ang kilig niya kina Hyun Bin, Gong Yoo at Lee Min Ho.

Leave A Reply

Your email address will not be published.