Abante Tonite Interactive

Anne, bet ng dyowa ni Cristine

By
Anne Curtis
4

SUMABAK na sa pelikula ang mister ni Cristine Reyes na si Ali Kha­tibi.

Kasali ang Viva contract star na si Ali sa bagong action flick ni Direk Toto Natividad na Double Barrel (Sige! Iputok Mo!).

Ayon kay Ali, sinabi sa kanya ni Cristine ang mga dapat i-expect sa showbiz at so far ay nae-enjoy niya ang pag-arte sa harap ng kamera.

Pulis ang role ni Ali sa pelikula na handpicked siya ni Direk Toto for the role bilang isa siyang mixed martial arts expert sa totoong buhay.

Wala raw love scene dito si Ali.

Bawal ba?

“Hindi naman, hindi naman bawal. But sa role ko ngayon, wala naman, eh. Maybe sa next,” nakangiting sagot ng hunky hubby ni Cristine.

Sey pa ni Ali, matagal na sa showbiz si AA (palayaw ni Cristine) kaya expected na nito na minsan ay may mga love scene sa pelikula.

Ang sabi sa kanya ng misis niya ay okey lang ‘yon. Ganu’n talaga dahil parte ‘yon ng pag-aartista.

Understanding si AA sa bagay na ‘yon.

Kung sakali, sino ba ang gusto niyang maka-love scene?

“Ha! Ha! Ha! Delikado ‘yang tanong na ‘yan, ah?” reaksyon ni Ali.

“Ang gusto ko talagang maka-loveteam si ano… Cristine Reyes! Ha! Ha! Ha!”

Bukod kay Cristine, siyempre. Sinong bet niyang makalampungan sa big screen?

“Sino ba? Sinong puwede?”

‘Yung tipong matitikman ang kamandag ni Ali, ganern.

“Grabe! Teka… direk! Ha! Ha! Ha!

“Siguro, makatrabaho na lang.”

O, sige. Makatrabaho na posibleng maka-love scene?

“Parang kinakabahan ako du’n sa tanong, eh. Ha! Ha! Ha!

“I’d say, siguro si Anne Curtis. Masarap makatrabaho si Anne,” pakli ni Ali.