Abante Tonite Interactive

Anne bigo sa selfie kay Park Bo Gum

333

Rose Garcia

Marami pa rin ang tila hindi pa makapag-move-on sa pag-attend nila ng “Park Bo Gum: May your everyday be a good day fan meeting in Manila.”

Hindi kami nakapanood personally, pero mula sa mga fan accounts na nakikita namin, talagang puro positibo halos ang nababasa namin.

Ilan din ang nakausap namin ng personal na naka-attend at masaya sila sa napanood. Kung nagbayad daw ng ticket, sulit daw dahil maganda ang fan service ng Korean star.

Halatang ganado nga si Bo Gum sa kanyang first fan meeting sa Manila mula umpisa hanggang endin. Siguradong natuwa ito sa nakitang suporta at pagmamahal sa kanya ng mga Pinoy fan.

Sulit din ang fm dahil nagsayaw, tumugtog ng piano at kumanta ito ng ilang cover songs mula sa Twice na “What is Love?,” Seventeen’s “Pretty U,” at ang “Through the Night” ni IU.

Kinanta rin niya ang I Will Be Here at nagpa-sample ng kanta ni Da-niel Padilla na “Nasa Yo Na Ang Lahat.”

Non-stop tilian din sa loob ng MOA Arena, lalo na kapag may time na lu-malapit pa ito sa mga fan.

Sa question and answer segment, nang tanungin si Bo Gum kung ano pa ang mga gusto niyang gawin in 10 years, sinabi nitong gusto niyang mag-asawa, makapag-aral sa ibang bansa at makagawa rin daw ng fo-reign film.

Isa rin sa hindi makakalimot sa fan meeting na ito ay si Anne Curtis na nagsilbing host. Umeffort talaga ito mula sa isusuot niya na nanggaling pa raw sa Paris. Yun nga lang, hindi raw siya nagka-chance na makapag-selfie with Bo Gum.

Tweet ni Anne, “My fan girl is so happy. Probably of the toughest yet happiest hostings jobs I’ve done. My legs and hands were sha-king so much on stage. Thank you for those who prayed for me and were rooting me on in the MOA arena. I prayed to do my best. Thank you Lord.”