Abante Tonite Interactive

Anne ‘bilmoko’ pinakukuyog ni Vice

655

Naaliw kami sa pagtataray ni Vice Ganda sa mga netizen na OA kung makareak sa tweet niyang magsa-shopping siya doon sa Canada ng more shoes at more outfit because, “My life is sooooo good!”

Umandar na naman kasi ang mga pa-‘woke’ sa Twitter na sinabi lang ni Vice na magsa-shopping siya ay tinawag agad siya na privileged, insensitive, walang empathy, self-centered at kung ano-ano pang panlilibak.

Tinawag pa siyang Marcos apologist, avid Duterte supporter at kung anik-anik pa, kaya binansagan naman niyang mga ‘woke-ininam’ (mula sa ‘ukininam’ na mura o  bad word ang ibig sabihin sa Ilokano) ang mga basher niya.

Alam naman ng lahat na madatung siya at pinagtrabahuhan niya lahat ‘yon kaya karapatan niyang gastusin ang pera niya kung saan niya gusto.

Sey niya pa, “‘Yung mga feeling WOKE at mga WOKE WOKAN ang mga pinaka-toxic na tao sa social media. Sa true. Sa real.”

Halata namang pang-asar ‘yung tweet niya na, “Ok it’s 8:20 am here in Calgary. I gotta take a bath na at magsha-shopping ako ulit. Eto kasing si @annecurtissmithmasyadong ‘PRIVILEGED’ nagpapabili ng Chanel. Pasok mga pa-WOKE bash nyo na si Anne! Lelllzzzzzz.”

Reaksyon dito ni Anne, “Hahahaha! KALMA lang seeeeeeeeeeeeeeesssssssss!!!!!!”

Isa pang hanash ng “GGV” host, “You don’t just say or tweet the word EMPATHY. You stand up and help. May mga natulungan na ba kayo? May mga nasagip na ba kayo? Maka-empathy lang ang mga potaha! Nag-shopping lang wala ng empathy!!! Empathy mo mukha mo!”

Maraming natuwa sa pagpatol ni Vice sa mga pabibo at bida-bida sa Twitter. May point naman kasi siya, marami lang talagang mema ngayon sa social media.

“Aminin n’yo nag-e-enjoy kayo sa mga hanash ko! Hahahahha!!! Actually in-enjoy ko din. O sya na, vorlog na kayo at rarampa nko talaga. Yabyu!”

Kahapon after ng concert niya sa Canada ay may aliw na namang sarcastic tweet si Vice na, “Thanks Madlang People of Calgary!!! Another sold out concert. Yezzzzz naman waging wagi na naman si batla!!!!

“Free day ko bukas ano kaya p­wedeng gawin? Shopping? Oooopppsssss baka magalit ang mga pa-woke, mga feeling woke at mga woke-ininam. lolzzzzzz!!”
***

Barbie-Jak tatakasan ang bill sa resto

Two years nang mag-sweetheart sina Barbie Forteza at Jak Roberto.
The other night ay nag-celebrate ang Kapuso lovebirds sa isang wagyu steak house .

Kiyemeng gustong takasan ni Barbie ang resto at huwag magbayad ng bill dahil ang mahal ng kinain nila ni Jak.

Sumakay naman si Jak sa plano ng nobya niya na takasan nila ang bill.
‘Kaaliw ang JakBie, infeyr!

Tanong namin kay Barbie, siya ba ang nagbayad ng bill nila at namahalan siya?

Sagot ng “Kara Mia” star, “Ha! Ha! Ha! Ha! Paunahan nga po umalis, eh!”
Naikuwento sa amin ni Jak before na tuwing kumakain sila sa labas ay ayaw niyang pinapagastos si Barbie at siya talaga ang sumasagot bilang siya ang lalaki.

Puwera na lang daw ‘pag na-delay ang suweldo, sa bahay na lang daw sila at magluluto na lang siya. Ha! Ha! Ha!

For sure naman ay sinagot ng binata ang anniversary dinner nilang magsyota.
Isa ang JakBie sa mga young showbiz sweethearts na ang gaan ng dating, masaya lang at laging good vibes kaya nakakatuwa silang makita together.

Ang daming nag-wish sa kanila na magtagal pa sila at maging strong pa ang pagsasama nila.

Sa “Kara Mia” ay mukhang nagdedelikado ang pagmamahalan ng JakBie dahil nabuking na ni Boni (Jak) ang totoong pagkatao ni Kara (B­arbie)!