Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne buwis-buhay sa Boracay

0 650

NI: ARCHIE LIAO

Viral ang kumalat na video ni Anne Curtis kaugnay ng photoshoot niya ng kanyang endorsement para sa isang product line.

Kuha ang nasabing video sa Boracay kung saan sinunod nila ang health protocols.

Marami ang nakapansin na na-miss ng aktres ang pagtatrabaho pagkatapos ng humigit-kumulang na isang taon niyang pagbabakasyon sa Australia.

Enjoy ito sa pakikipaglaro sa mga alon habang kinukunan.

Pilit naman niyang pinapanatili ang poise kahit pa tinatangay na siya ng mga alon sa kanyang “buwis-buhay” pose.

Marami namang netizen ang humanga sa dedikasyon ng aktres sa kanyang trabaho na game na game sa kanyang ‘buwis-buhay’ photoshoot.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Struggle is real haha”

“BUWIS BUHAY TALAGA EH! HAHAH”

“HAHAHAHA tiis ganda is real”

“Buwis-buhay hahaha. Pero Anne lang MALAKAS!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.