Abante Tonite Interactive

Anne Curtis galit sa pagbirit

1,133

tonite-pak-allan-dionesSaya-sayahan at kulit-kulitan lang ang ‘AnneKulit: Promise,­ Last na ‘To!’ concert ni Anne Curtis nu’ng Sabado sa Smart Araneta­ Coliseum.

‘One Last Time’ ni Ariana Grande ang opening song ni Anne bilang sabi niya ay last na talaga ang concert niyang ‘yon sa Araneta, na celebration ng kanyang 21stanniversary in showbiz.

Ang taas ng energy ni Anne sa ‘Break Free’ ni Ariana na walang nerbiyos niya kung ibirit ang matataas na nota.

May mini second stage sa Patron area at effort ang pagpunta-punta roon ni Anne. Buti na lang ay sanay siya mag-workout, so hindi hinihingal sa pagod ang 33-anyos na aktres.

Hataw siya sa pag-sing and dance sa kanyang K-Pop medley. Feel na feel ng K-drama addict na si Anne ang segment na ‘yon.

Aniya, siya lang ang may ganu’ng boses na nakapag-concert sa Araneta nang tatlong beses.

Sa number nila ng Ex Battalion ay kumasa sa rap si Anne.

Magaling na raw siyang mag-Tagalog, pero nabulol pa rin siya habang nag-i-spiel.

Kinanta niya ang ‘‘Di Na Muli’ na theme song ng ‘Sid & Aya’ at buo ang confidence niya sa pag-hit ng high notes.

In fairness ay nag-improve na ang boses ni Anne kesa nu’ng first 2 concerts niya kaya after the song ay may hirit siya na, “Uy, aminin, ang ganda na ng boses ko!”

Walang takot din siyang nakipag-duet sa Aegis ng ‘Basang-Basa Sa Ulan’. Aliw ‘yung growl ni Anne na para siyang galit o nanggigigil sa pagbirit. Laugh ang audience nu’ng mag-vocalize muna siya bago binanatan ang makalaglag-bagang ‘Halik’’

Natural ang pagiging lovable ni Anne, kaya tuwang-tuwa ang crowd kahit sa mga pasigaw-sigaw na pagbirit niya. Super-fan pala ng Aegis ang mommy ni Anne kaya parang dedicated niya sa madir niya ang number na ‘yon.

At dahil batang ‘90s si Anne ay meron siyang ‘90s hits segment. Dito umentra si James Reid, na naki-jamming sa kanya ng ‘Ignition’, ‘My Boo’ at ‘I’m Real’.

Sarah humirit kay Curtis

Isa sa most applauded guests ni Anne ay ang kapuwa niya reyna sa Viva na si Sarah Geronimo.

Love at idol niya raw talaga si Sarah kaya dream niya to perform with her.

‘Kilometro’ ang inawit ni Sarah tapos ay ‘Ikot-Ikot’ ang kay Anne. Dinaan na naman ni Anne sa lakas ng loob ang mga birit part, pero hindi ka maiinis sa kanya kundi maaaliw ka.

Matching black and silver ang outfits nila at sinabayan niya ang energy at dance moves ni Popstar Princess.

Natawa kami sa ‘Tala’ duet nila na biglang naging ‘Linamnam Ulam’ na jingle ng Jollibee Burger Steak na ine-endorse ni Anne.

Lumipat pa ang dalawa sa mini stage at nag-sing and dance ng ‘Dulo’. Humirit si Sarah na huwag naman ‘yon ang last concert ni Anne dahil ang laki na ng improvement nito.

Grabe ang tilian nang i-flash sa screen si Matteo Guidicelli na nasa audience.

Bet namin ‘yung paandar portion na lumutang si Anne sa ere, una ay paupo tapos ay patayo, habang inaawit niya ang ‘A Million Dreams’ at ‘Never Enough’.

Literal na nasa may kisame ng Big Dome si Anne habang nasa floating platform at umaawit. Wala siyang fear of heights at uma-aura-aura pa siya sa ere.

Palakpakan nang sabihin niya na through her own foundation na Dream Machine PH, part ng ticket sales ng concert niyang ‘yon ay mapupunta sa pagpapatayo ng isang eskuwelahan sa Marawi.

‘AnneKapal,’ ‘AnneBisyosa’ mas maraming tao kesa sa ‘AnneKulit’

Last highlight ni Anne ang diva showdown nila ni Regine Velasquez-Alcasid ng Whitney Houston hits.

Applauded ang sustained notes at kulot-kulotan vocals­ ni Anne, na hindi nagpaawat sa pakikipagtagisan ng boses kay Songbird na idol niya raw sa biritan.

Tinawag ni Reg si Anne na ‘pure-blooded entertainer and performer’ at may koneksyon daw ito sa kanyang audience na mahal siya at nai-inspire sa kanya.

Hirit ni Songbird, kahit mag-baby na si Anne ay puwede pa rin itong kumanta katulad niya.
“An entertainer will always be an entertainer. A performer will always be a performer,” dayalog ni Regine kay Anne, kaya sana raw ay hindi pa ‘yun ang huling concert nito.

Sa ending ay may surprise number si Anne para sa kanyang hubby na si Erwan Heussaff.

Hindi man kasingdami ng tao sa ‘AnneKapal’ (2014) at ‘AnneBisyosa’ (2012) ang nanood sa ‘AnneKulit’ ay nakaka-enjoy pa ring panoorin onstage ang nakaka-good vibes na si Anne Curtis!