Abante Tonite Interactive

Anne ‘di makauwi ng Pinas

1,093

Sa gitna ng coronavirus (COVID-19) ay patuloy rin ang paglabas ng ilang celebrity babies.

Last March 2 ay isinilang ni Anne Curtis ang first baby nila ng kanyang husband na si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie sa Australia. Hanggang ngayon ay naroon pa rin sila dahil inabutan ng Luzon-wide enhanced community quarantine. Makakabalik lamang ng Pilipinas ang mag-asawa at ang kanilang baby kapag na-lift na ang lockdown sa Luzon at regular na ang biyahe ng mga eroplano. Tutok muna sila sa pag-aalaga sa kanilang unang baby gayundin ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico kay Thylane Katana na isinilang nu’ng New Years Day.

Nu’ng March 23 ay isinilang naman ang baby nina JC Santos at Shyleena Herrera ang kanilang first baby na si River Altheia. The next day, March 14 ay isinilang ni Mich Liggayu (ng JaMich YouTube loveteam) ang kanyang first born na si Anasthasia Margaret courtesy of her new partner, ang singer na si Neo Domingo. Ang fiancé ni Mich na si Jam Sebastian ay sumakabilang-buhay in March 2015 dahil sa lung cancer.

At nitong March 31 ay isinilang naman ni Cristalle Belo (Henares-Pitt) ang second baby nila ng kanyang Australian hotelier husband na si Justin Pitt. Isa itong girl. Ang panganay nilang anak na si Hunter James ay magtu-two years old pa lamang sa darating na May.

Sa buwan naman ng July nakatakdang isilang nina Bangs Garcia at Max Collins ang kanilang respective babies.

Ang ipinagbubuntis ngayon ng London-based actress-painter na si Bangs ay second baby na bale nila ng kanyang Fil-British husband na si Lloydi Birchmore. Ang kanilang panganay na anak na si Amerlia ay two years old na.

First baby naman ng Kapuso actress na si Max Collins at ng kanyang mister na si Pancho Magno ang kanyang dinadala ngayon. Ang couple ay nagi-expect ng baby boy.

Ang isa pang expectant mom ay ang Kapuso TV host na si Luane Dy sa magiging unang baby nila ng kanyang husband, ang Kapuso actor na si Carlo Gonzales.

Isinilang naman ng second wife ng controversial senator na si Koko Pimentel, ang chef na si Kathryna de Guzman Yu-Pimentel ang kanilang first baby nu’ng nakaraang March 29 .Isa itong baby girl na pinangalanang Maria Kathryn Helena Pimentel .

Puring-puri ng Megastar na si Sharon Cuneta ang mga ginagawang pagtulong ng actress-philanthropist na si Angel Locsin sa gitna ng pandemic na coronavirus.

Si Angel ang nanguna sa paglu-launch ng #UniTENTweStandPH fund-raising campaign .Marami siyang mga kasamahan sa industriya ang nagpahatid ng tulong. Halos 30 tents na ang na-provide ni Angel and her team sa iba’t ibang pagamutan ng Metro Manila maging sa mga karatig lugar.

Ang bawat tent ay nagkakahalaga ng P50,000 at 12 x 24 meters ang laki nito.Kumpleto ng gamit sa loob.

Speaking of Angel, isa ito sa naging vocal sa pagsuporta sa mayor ng Pasig na si Vico Sotto matapos itong padalhan ng summon ng NBI. Itoy dahil sa umano’y violation na may kinalaman sa Bayanihan to Heal As One Act.

Outpouring ang suporta kay Mayor Vico ng mga tao at kasama na rito ang maraming taga-showbiz. Ipinagtanggol din siya ng kanyang tiyuhin, ang Senate President na si Tito Sotto.

Sa halip na magpa-diskarel si Vico sa kanyang ginagawa para sa mga constituents sa Pasig, lalo lamang niyang pinagbubuti ang kanyang pagtulong sa mga ito.

Tonite – Wendys Inhouse Ad