Abante Tonite Interactive

Anne ‘di uurungan sina Sarah, Regine

By
859

 

tonite-this-is-it-roldan-castroMakikipagsabayan si Anne Curtis sa Pop Princess na si Sarah Geronimo, at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa ‘AnneKulit: Promise Last Na ‘To’ concert sa August 18. Pinaghahandaan niya ang showdown nila.

Sa kantahan at sayawan makikipagsiklaban siya kay Sarah. Nagbo-voice lesson din siya ngayon para sa tapatan nila ni Regine.

Anyway, ibi­nalita ni Anne na matutuloy na rin ang honeymoon nila ni Erwan Heussaff sa November. Ito’y sa South Africa. Isasabay na raw nila ang kanilang first wedding anniversary.

Magko-concentrate na rin si Anne sa hos­ting at acting pagkatapos ng concert niya sa August 18 sa Araneta Coliseum. Gusto lang daw niyang mag-celebrate ng 21st anniversary niya sa showbiz

Bukod kina Regine at Sarah, makakasama niya sa ‘AnneKulit’ sina James Reid, Ex-Battalion at Aegis Band.

Ang director ay si Paul Basinillo. Musical director naman si Louie Ocampo at dance director si Teacher Georcell.
This is a production of VIVA Live and proceeds will benefit the special projects of Dream Machine Philippines.

***

Jennifer itinanggi si Masahisa

Nakipag-bonding ang aktres na Jennifer Geroche. Dinalaw namin siya sa kanyang bahay sa Commonwealth. Ipinakilala niya ang Japanese na si Masahisa Miwa. May mga artista rin siyang inimbita gaya ni Glenda Garcia na nilabanan at hinarap ang breast cancer.

Nilinaw agad ni Jennifer na hindi niya boyfriend si Masahisa dahil iniintriga namin kung karelasyon ba niya ito.

Anyway, may dala si Masahisa na machine galing Japan. Ito ‘yung HHO hydrogen inhalation machine. World’s most powerful anti-oxidant gas production for human. Pinasubukan ni Jennifer dahil diabetic kami. Hindi naman nakukuha ito sa isang gamitan pero effective daw ito sa lungs, utak, kidney, puso, liver para malabanan ang mga sakit.

Para sa ibang detalye tawagan sa 09178136566
***

Cheska nakakagigil

First runner-up ng Miss Global Philippines 2018 si Cheska Viñas ng Marilao, Bulacan. Nakakagigil ang kaseksihan. Matambok ang puwet at artistahin.

Pasukin kaya niya ang showbiz? ‘Yan ang aba­ngan.