Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne dinedma si Vice

0 4,716

NI: ARCHIE LIAO

Si Vice Ganda ang nagsilbing bangka noon para sa kanyang It’s Showtime co-hosts para magpatuloy pa sila sa nasabing noontime variety show.

Sa panahon din ng pandemya, siya rin ang tumayong lider at tulay sa management ng network ng kanyang It’s Showtime family.

Sa kaso ni Anne Curtis, nagpahayag din siya ng suporta noon na mananatili siyang bahagi ng nasabing show.

Pero ilang buwan na mula nang bumalik si Anne ng bansa mula sa higit isang taong pamamalagi sa Australia ay hindi pa ito nagpaparamdam sa nabanggit na show.

Kaya naman, dahil nami-miss na siya ni Vice, hindi napigilan ng komedyanteng okrayin ang actress sa kanilang show kamakailan.

Sa mismong show, ibinida niya na dinededma umano ni Anne ang kanyang mga tawag kaya nananawagan siya rito.

” Anne Curtis, kung nanonood ka man, sagutin mo naman yung tawag ko please,” aniya.

Nag-react naman ang co-host niyang si Vhong Navarro sa hanash niya kaya napilitang magpaliwanag ng unkabogable host.

“Hindi kasi kami nagkakatagpo. Tinext ko siya kahapon, tapos sumagot, tapos nung ni-replyan ko, hindi sumagot. Tapos nakita ko yung hindi na siya active,”hirit niya.

“Tapos nag-text ulit siya ng gabi, sabi niya ‘Ano yun?’ tapos tinatawagan ko siya tas di na siya ulit active. Tapos kaninang umaga, paggising ko, andami niyang missed call. Tas ngayon tinatawagan ko, hindi siya sumasagot. Anne Curtis, sana magtagpo tayo,” dugtong niya.

Pagtatanggol naman ng kanyang co-hosts, marahil daw ay abala lang sa pag-aalaga ang actress sa anak nitong si Baby Dahlia kaya hindi nito ma-estima si Vice.

Dahil naman sa pabirong emote ni Vice, nagkaroon ng mga haka-hakang ayaw pang magbalik-trabaho ang actress sa naturang show dahil takot pa itong ma-expose sa Covid-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.