Abante Tonite Interactive

Anne dinedma

By
1,489

May katotohanan nga kaya ang chikang underperforming sa takilya ang Anne Curtis starrer na BuyBust?

Ano ang nangyayari? Critical acclaims mula sa variety.com at 100% percent ang score sa Rotten Tomatoes with a strong word of mouth campaign pa from the conyos that matter, pero ang balana, dabarkads at madlang pipol, deadma to the world?

Hindi mo rin pwedeng punahin na kulang sa publicity dahil talagang tinodo naman nila, bakit ayaw pa ring manood ng mga tao?

Hindi na ba bago ang mga kaganapan sa Buy Bust dahil nga sa araw-araw na mga balita, mapa-24 Oras man o sa TV Patrol, umay na umay na tayo sa war on drugs, onsehan sa droga, pati na rin sa isyung tokhang, riding in tandem at patayan? Ayaw na natin na ginawa pa siyang pelikula kasi nga manhid na tayo sa mga kaganapan sa totoong buhay?

Hindi ba natin bet na makita si Anne Curtis not being her usual glamorous self? ‘Yung pag-dress down niya sa Sid & Aya, keri pa rin yun pero yung siya ay nakikipagbakbakan, duguan with additional ingredients such as gore and violence, hindi natin mabata, hindi katanggap-tanggap?

Ngayong katapusan ng linggo kaya, magbabago ang laban sa takilya? Kung totoo nga ang nailathalang first day gross nito sa isang portal, nakakadismaya nga naman talaga. Ano pa kaya ang pwede pa nilang gawin para maengganyo ang mga tao na sila ay panoorin?