Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne, Erwan sanib-puwersa sa vlog

0 738

NI: ARCHIE LIAO

Gaano katotoo na magsasanib-puwersa ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heusaff sa isang vlog?

Naintriga kasi ang mga netizen sa post ng celebrity chef at vlogger sa kanyang Youtube channel na may titulong “I’m Leaving YouTube”.

Nag-viral agad ito kung saan inanunsyo ng restaurateur na magre-rebrand ang kanyang channel.

Ang The Erwan Heussaff channel ay magiging FEATR, acronym for Food Encounters and Travels.

Aniya, tinanggal niya ang pangalan niya dahil feeling niya nalilimitahan ang puwedeng i-feature ng kanyang vlog.

Sa rebranding nito, nais niya at ng kanyang kumpanyang The Fat Kid Inside Studios na makapagbigay pa ng mas pinalawak at pinaigting na content.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa naturang video, ibinahagi rin ni Erwan ang kanyang struggles sa paggawa ng vlog sa panahon ng pandemya.

Aniya, noong na-stuck siya sa Australia, wala siyang choice kundi ang gumawa ng vlogs na walang kasamang production team.

Kailangan din daw niyang i-juggle ang kanyang schedule lalo pa’t naging abala rin siya sa pag-aalaga ng baby nila ni Anne.

Ang YouTube vlog niya ay merong humigit-kumulang na 2.8 million subscribers.

Sa bagong development naman na ito, marami ang na-excite sa possible collaboration nina Anne at Erwan.

Bilang celebrity couple, marami raw silang maibabahagi sa kanilang mga faney.

Leave A Reply

Your email address will not be published.