Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne humirit ng take 2 sa ‘Showtime’

0 83

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang naaliw at naloka nang humirit si Anne Curtis ng take 2 sa kanyang production number. Ito ay sa unang araw ng pagbabalik sa “It’s Showtime.”

Ani Anne, aminado siyang nanibago siya sa bagong set-up ng programa dahil ilang taon din siyang nawala sa show.

“Wait lang, isa pa… Isa pa! Kinakabahan ako… Again!”, aniya.”Super Kaba… I’m so happy that my Showtime family, they’re so supportive. Lalo na kasi ‘yung banter, ang tagal ko nang hindi nagawa ‘yon. Inaalalayan naman nila ako,” dugtong niya.

Paliwanag pa niya, ipinangako niya raw talaga sa kanyang It’s Showtime family na magbabalik siya sa nabanggit na programa.

“I promised my Showtime family that I would be back so I am staying true to my word that I would come back”, sey niya.

Binati naman siya ng mga bagong miyembro ng Showtime family tulad nina Kim Chiu at Ogie Alcasid.

Sey pa ni Anne, bet na niyang ipasa ang kanyang energy kay Kim.

Excited din siyang makakuha ng parenting tips kay Ogie lalo’t pareho na silang may pamilya at mga anak.

Inuurot naman ni Showtime Babe judge na si Ruffa Gutierrez si Anne na dapat ay may pinaghahandaan daw lagi itong pasabog o production number sa show.

Bukod sa pagbabalik sa It’s Showtime, abala rin ngayon si Anne sa paghahanda sa kanyang nalalapit na concert na Luv-Anne, The Comeback na gaganapin sa Hunyo 11 sa Resorts World.

Leave A Reply

Your email address will not be published.