Abante Tonite Interactive

Anne idinetalye ang pagkikita nila ni Gong Yoo

167

May hang-over pa si Anne Curtis ng memorable trip niya sa Seoul, South Korea last week kung saan ay na-meet nga niya ang kanyang favorite South Korean actor na si Gong Yoo sa Louis Vuitton event.

Kahapon sa “It’s Showtime” ay nagtititili pa rin siya sa sobrang saya.

“Ang sayaaahhh!” tili niya nang tanungin ni Vice Ganda kung kumusta ang Halloween niya.

“Sobra akong saya as in. As in! Na-meet ko na kasi si Gong Yoo in the flesh!” tuwang-tuwa pang sabi ni Anne.

Naintindihan naman ng “It’s Showtime” family niya ang happiness niya at sabi nga ni Teddy Corpuz, napakatagal daw ang naging journey ni Anne before finally meeting her idol. Matatandaan nga ring sumama pa siya kay Kim Atienza sa Korea last year nang interbyuhin nito si Gong Yoo pero bigo siyang makita that time ang “Train to Busan” actor.

Sabi ni Kuya Kim, “nagpanggap pa ‘yang staff ng ‘Matang Lawin’ para makita si Gong Yoo.”

Kaya sabi ni Anne, “so eto na talaga, as in ‘yung moment. Alam mo ‘yung pagka-faney ko talaga, pinigilan ko.”

‘Yung pagkatinis ng boses niya ay kinontrol daw niya at binabaan lang niya ang pagsasalita habang kausap niya si Gong Yoo.

Ang sabi raw niya kay Gong Yoo, “hello, it’s so nice to meet you. I’m from the Philippines and I’m a huge fan. Can I take a photo?”

Strict talaga ang mga Korean artists sa pagpapakuha ng photo pero ani Anne, Gong Yoo was very nice to accommodate her.

“Siguro kasi, it was a very intimate gathering,” sey ni Anne.

“Maraming maraming salamat, Louis Vuitton Philippines for that experience. Na-meet ko si Gong Yoo at maraming mga celebrities, Alicia Vikander, si Chloe (Grace Moretz), they were all there. So super-saya. Sumunod pa ‘yung asawa ko (Erwan Heussaff),” sey pa ni Anne.