Abante Tonite Interactive

Anne inabot ng take 57

By
2,622

Maang-maangan school of acting si Anne Curtis nang kunin namin ang reaksyon niya na ang pelikula niyang ‘BuyBust’ ay pinikap for release ng streaming giant na Netflix.

“Ha? Sino nagsabi nu’n? Parang wala akong alam,” ang kiyemeng sagot sa amin ng nakangiting si Anne, na obviousl­y ay pinagbawalan munang magsalita tungkol dito kahit pa nauna na itong mabalita noon.

Sa review ni John Berra ng Screen Daily ay binanggit nito na ire-release worldwide ng Netflix ang ‘BuyBust’ sa November 1, after ng theatrical run nito sa North American cities simula sa August 10 (August 1 ang showing nito sa Pilipinas).

Abante Hiring – IT dep

Sa streaming revenues pa lang ay inaasahan nang ma­laki ang mababawi ng ‘BuyBust’, na ang sabi ni Direk Erik Matti nu’ng presscon ay umabot sa $1.6M (o P86M sa palitan ngayon ng dolyar) ang total cost.

Pinuri ni Berra ang against-type casting ng romcom queen na si Anne Curtis sa pelikula na ayon sa kanya, “Curtis anchors the mayhem with great charisma, forming a terrific partnership with the stoic (Brandon) Vera, whose towering frame and tank-like indestructability are offset by a resolutely calm manner.

“Their resolute performances give a vital human quality to a film that is otherwise as brazenly cynical as it is brilliantly executed.”

Pinuri rin ang superbly choreographed fight scenes at nabanggit ang eclectic musical score nina Erwin Romulo at Malek Lopez, pati na ‘yung continuous shot ng cinematographer na si Neil Derrick Bion.

Ito ‘yung kaabang-abang na 3-minute highlight sa bandang ending, na ang kuwento ni Anne ay inabot ng 57 takes, kinunan in a span of 3 days at 5 days ang rehearsals.

‘Superbly executed action film’ ang description ni Richar­d Kuipers ng Variety sa kanyang rave review sa ‘BuyBust’ na may ‘pulsating action and lacerating social commentary’.

Pinuri ang ‘some of the most spectacularly choreographed combat sequences in recent memory’ ng ‘BuyBust’ na hindi raw ginaya sa Asian action hits na tulad ng ‘The Raid’ (2011) ng Indonesia, ‘Ong-Bak: Muay Thai Warrior’ (2003) ng Thailand at ‘Jailbreak’ (2016) ng Cambodia.

Ang sabi ni Kuipers, “Curtis is convincing and charisma­tic as the determined and amazingly resourceful heroine. Performances from the rest of a huge cast are spot-on, right down to bit parts.”
Nu’ng presscon ay hindi maidetalye ni Arjo Atayde ang kanyang role sa movie kahit puring-puri siya ni Direk Erik.

Sa naglabasang international reviews ay ni-reveal na ang karakter ni Arjo ay isang drug lord na kung tawagin ay Biggie Chen.

Patok sa mga foreign critic ang matinding mensahe ng pelikula tungkol sa devastating social consequences ng Philippine government’s war on drugs.

“It’s a must-see,” ang sabi sa review ng Film Pulse, na ang ‘BuyBust’ daw is a ‘non-stop, adrenaline-soaked bloodbath’ and it ‘cements Anne Curtis as a bona fide action star.’

Waging-wagi ang career reinvention ni Anne at sulit ang lahat ng kanyang dusa at pasakit sa pinakamahirap na pelikulang ginawa niya sa kanyang 21 years sa showbiz.

After mag-world premiere sa New York Asian Film Festival, tumuloy sa South Korea si Anne at ang ‘BuyBust’ team para sa Asian premiere naman nito sa Bucheon International Fantastic Film Festival.