Abante Tonite Interactive

Anne, Iza, Bela kabugan sa Best Actress

315

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioKung sa America, ang Hollywood Foreign Press ang nagsimula ng film awards season, sa Pilipinas nating mahal, ang GEMS Hiyas ng Sining Awards, ang naghudyat na yes, oh yes, ang gabi ng mga parangal para sa mga natatanging pelikula at mga indibidwal ay simula na, the race of the best and brightest is indeed on.

Ang Guild of Educators, Mentors and Students (GEMS), sa kanilang ikatlong taon, inihayag na ang kanilang nominasyon para sa panulat, radyo, tanghalan, telebisyon at pelikula.

Sa Pelikula, suplada ang choices nila para sa pinakamahusay na aktres, ang palabang babaeng pulis, si Anne Curtis sa “Buy Bust.” Ang baybayin expert na si Bela Padilla sa “The Day After Valentine’s,” ang dalawang seasoned actresses na sina Gloria Romero sa “Rainbow’s Sunset” at Gina Pareno sa “Hintayan ng Langit.” Ang rebeldeng nanay, si Liway na binigyang buhay ni Glaiza de Castro at ang nanay na lesbian, si Iza Calzado sa “Distance.”

Pawang mga premyadong aktres na nagbigay buhay sa mga katauhang talaga namang ang mga pinagdaanan at ipinaglalaban ay humahaplos sa puso at tumatagos sa kaibuturan.
***

James, JM, Joross, Paulo eskrimahan sa galing

Sa kategoryang pinakamahusay na actor, mas kakaiba ang kanilang choices, si James Reid, ay ang millennial Gio Smith sa “Never Not Love You,” na parang katauhan ni Aga Muhlach sa “Sana Maulit Muli,” Si JM De Guzman na may sakit na face blindness sa “Kung Paano Siya Nawala.” Si Joem Bascon, na isang sex addict at alter ego ng katauhan ni Tony Labrusca sa “Double Twisting, Double Back.” Si Joross Gamboa na nagpapaka-method actor sa “Mga Mister ni Rosario” at si Paulo Avelino, bilang isang confused bisexual sa “Kasal.”

O ‘di ba, ibang level ang kanilang choices for best performance of a male actor. Walang tulak kabigin. Sa eskrimahang ito, sino nga ang lalabas na tunay na matigas at matikas, at siyang magviviktoria?
***

Yam ligwak kina Angelica, Erich, Jodi

Eh kamusta naman ang laban sa telebisyon? Para sa Best TV series, ang maglalaban, tatlong drama shows mula sa GMA 7, ang “Cain at Abel,” “My Special Tatay” at “Onanay” versus apat mula sa ABS-CBN, ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Halik,” “Ngayon at Kailanman” at “Playhouse.”

Iba’t ibang putahe at tema at pawang mga acting showcases ang mga nasabing programa kaya ang papalarin, kay suwerte talaga.

Ang mga nominado sa best actor TV series ay sina Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probins­yano.” Kapwa nominado sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa “Cain at Abel.” Pasok sa nominasyon si Ken Chan sa “My Special Tatay.”

Magpapagalingan din ng mga ugat sina Jericho Rosales sa “Halik,” JM De Guzman sa “Araw, Gabi” at Joshua Garcia sa “Ngayon at Kailanman.”

Sa best actress TV series, mas maigting ang Tilapia Wars! Angelica Panganiban, “Playhouse,” si Erich Gonzales na tatlo ang katauhan sa “The Blood Sisters.” Si Jodi Sta. Maria na dalawang babae ang binigyang buhay sa “Sana Dalawa Ang Puso Ko.” Go for gold rin sa laban sina Julia Barretto, “Ngayon at Kailanman” at Julia Montes sa “Asintado.”

Matutupad na kaya ang best actress trophy wish ni Kris Bernal dahil nominado siya sa “Asawa Ko, Karibal Ko” or Jo Berry, with her oh so Hollywood sounding name will upset everyone at siya ang tatanghaling pinakamahusay na aktres para sa “Onanay!”

Ang diva that you love, medyo sad dahil hindi nominado ang sa aking pakiwari ang pinakamahusay na TV actress sa kasaluku­yan, si Yam Concepcion who is so deliciously sinful and talaga namang mega-effective bilang pambansang kabit na si Jade.

Kalurks na si Rosales bilang Lino nominado tapos ang tinik sa dibdib at puson niyang si Concepcion na sakdal husay bilang Jade, hindi pumasa sa pihikang panlasa ng mga taga-GEMS, huh!
***

Abante TONITE nominadong best tabloid sa GEMS

Siyempre pa ang sweetest nominations ay para sa Abante TONITE, na nominado bilang best tabloid. Ang aming patnugot, si Roldan Castro, best entertainment editor. At ang inyong diva that you love, bilang best male entertainment columnist.

Ang mga kapwa ko nominado sa aking kategorya ay literal na who’s who sa Phi­lippine entertainment journalism, sina Mario Bautista, Remy Umerez, Ronald Constantino at Ricky Lo. Isang malaking karangalan para sa akin na mapahanay sa mga seasoned entertainment journalist na ito.

Sa Marso gaganapin ang GEMS Hiyas ng Sining Awards Night. Good luck sa lahat ng mga nominado.