Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne, Julia, Maricel dawit sa tsikang pikon

0 98

ROMMEL PLACENTE:May ilang mga artista ang napipikon minsan sa mga tanong ng press.

Na pag napikon sila,ay binabara nila ang press,at kung sasagutin man ay sasagot ng pabalang. Natatandaan ko mga ka-Cuatros,nu’ng bago-bago pa lang ako bilang manunulat, ay medyo natarayan ako ni Gretchen Barretto. Napikon siya sa akin. Na-interview ko siya rati, nang mag-guest siya sa dating sikat na youth-oriented show na That’s Entertainment para i-promote ang movie niyang Kailangan Kita. Isa sa natanong ko sa kanya kung totoo bang magkaaway sila ng bunso niyang kapatid na si Claudine. Ang sagot niya sa akin,’Saan mo naman nalaman yan? Hindi kami magkaaway.Iniintriga mo lang kami,” Na ang sabi ko na lang tuloy,’Ay hindi pala kayo magkaaway?’ Tapos nag-last question na ako bigla.ha!ha!ha!

Pero dumating din naman sa puntong nag-away sila ni Claudine,di ba? Mabuti na lang at nagkaayos sila.

May isa namang writer na nakaranas din ng pagtataray mula sa beteranang aktres na si Pilar Pilapil.Sa presscon yun ng seryeng Ina,Kapatid,Anak.Tinanong ng reporter si Pilar na related sa title ng nasabing serye. Ito ‘yung kung halimbawang malulunod ang iyong ina, kapatid o anak,sino ang una mong sasagipin? Ang sagot ni Pilar.’What’s your point? Pag sinagot ko na ang anak ko ang una kong sasagipin,lalabas na masama na akong kapatid at anak. ‘Pag ang nanay ko naman ang una kong sasagipin, masama akong akong ina at kapatid So what’s your point? Sa narinig na sagot ni Pilar ay nagulat ang press Halata kasing napikon ito.

Kayo mga ka-Cuatros,nakaranas na rin ba kayo na natarayan ng artistang tinanong ninyo o napikon sa tanong ninyo?

RODEL FERNANDO: Maraming mga artista ang talagang napipikon sa ibat-ibang anyo at pagkakataon. Katulad na lamang ni Julia Barretto ‘nung kasagsagang iniuugnay ang pangalan niya kay Gerald Anderson. May mga basher na hindi niya napigilang hindi sagutin. Maski sa kanyang social media accounts ay ramdam ang kanyang pagkapikon sa kanyang mga pino-post. Iba naman sa kaso ni Eric Fructuoso na sobrang napikon sa mga babaing nagpapadala sa kanya ng mga sexy at hubad na larawan. Siyempre pa, walang motibo ang mga babae kundi maka-sex ang balbuning aktor.

Eto pa, minsan din ay napikon ang isang beteranang aktres sa isang baguhan na maingay sa set. Nakapagtaray (in a nice way) siya nang sitahin ang newcomer. Bagay na hindi naman ito inalmahan ng huli dahil malaki ang respeto niya sa aktres.

MILDRED A. BACUD: Sa tagal na rin natin sa showbiz mga ka-Cuatros marami na rin tayong ng mga nakakatuwang karanasan o kuwento tungkol sa mga artista. Aminin natin dahil sa trabaho bilang mga press halos lahat naman ng mga artistang nakasalamuha natin ay naging nice naman. Pero may mga artistang what you see is what you get. Meaning, dahil tao lamang sila ay hindi rin nila naitatago ang naturalesa. May mga artistang pikon kapag ini-inteview ng mga reporter lalo na sa mga tanong na paulit-ulit. Tulad na lamang ni Maricel Soriano sa isang press na nagtanong sa kaniya sa presscon. In fairness sa press late naman kasi siyang dumating. Nagtaray ang aktres at sinabing nasagot na niya ang nasabing tanong na may tonong pagtataray. Well, kaya naman kasikatan no’n ni Maria ay may imahe na talaga siyang si Taray. But infairness na-realize naman niya ang pagkakamali. Sa event ng PMPC no’n kung saan isa siya sa mga guest ay nag-apologize siya sa nasabing press na akala niya ay member ng naturang club.

Isa pang naalala ko ay nang parang hindi nagustuhan ni Anne Curtis ang tanong ng isang vlogger tungkol sa estado ng pagbubuntis nito (Wala pa noon si Baby Dahlia).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi niya ay unethical daw ang pagtatanong sa isang babae ng tungkol sa buntis dahil wala naman daw kahit sino ang nakakaalam ng pinagdadaanan nito.

ROLDAN CASTRO: Hindi talaga maaalis na minsan ay napipikon ang mga artista. Meron isang young actor na ma-pr pero mainitin ang ulo.

Super bati siya sa movie writers nang makita siya sa isang lugar na may presscon. Tinanong niya, sino ang may presscon?

Nagbiro ang isang katoto ng sagot na ikaw.

Nag-iba agad ang timplada ng mukha ng young actor at matalim ang tingin sa nagbiro. Wala namang salitang binitawan pero halatang napikon.

Pero ang nakakawindang na pagkapikon ay nang isulat na maliit umano ang etits ng isang sikat na aktor.

Pinahanap daw ng sikat na aktor ang reporter. Dinala sa kanya, piniringan ang mata saka inihian sa mukha.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.