Abante Tonite Interactive

Anne keber kahit inalila’ ni Maria Isabela

523

Sandamakmak na memes ang kumalat sa socmed sa katatapos na Binibining Pilipinas 2019 Grand Coronation Night.

Partikular na ang eksena ni Miss Sorsogon Maria Isabela Galeria kay Anne Curtis.

Sa buong portion kasi ng Question and Answer ay hawak ni Anne ang mikropono habang nakapamaywang lang ang beauty queen.

Naging tampulan tuloy si Anne ng tukso, lalo na ng co-host niya na si Vice Ganda sa noontime show na “It’s Showtime.”

Biniro siya ni Vice na sa kabila ng magagarbo niyang kasuotan nang gabing iyon ay naging taga-hawak lang siya ng mikropono.

Nilinaw naman ni Miss Sorsogon na hindi niya ito intensyon. Naunahan lang umano siya ng kaba at ninais na ituon ang isip sa isasagot.

Samantala, sinigurado naman ni Anne walang dapat ipag-alala si Miss Sorsogon sa nangyari.

Pinuri naman ng mga netizen ang kabaitan at pagiging professional ni Anne. (Ronaline Avecilla)