Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne kinabog sina Vice, Angel, KathNiel

0 560

NI: ARCHIE LIAO

Ibang level na talaga si Anne Curtis dahil siya ang may hawak ng record na kauna-unahang Pinay na may humigit-kumulang na 14 million followers sa Twitter.

Ayon naman sa Forbes, itinuturing siya sa isa sa pinaka-influential na celebrity sa Asya.

Kaya dahil sa milestone na ito, sobrang nagpapasalamat ang aktres sa bagong record na nakamit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinabog ni Anne sina Vice Ganda na pumapangalawa sa kanya na may 13,989,404 followers.

Pumapangatlo naman si Angel Locsin na may 12,607,160 followers.

Pang-apat si Kathryn Bernardo na may 10,508,943 Twitter followers samantalang nasa ika-limang puwesto ang nobyo niyang si Daniel Padilla na may 8,975,584 .

Nasa top ten ang TV host at dating produkto ng PBB na si Bianca Gonzales, Yeng Constantino, It’s Showtime host Vhong Navarro, ABS-CBN News at MYX Philippines.

Leave A Reply

Your email address will not be published.