Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne kinarir ang pagkanta ng ABS-CBN Station ID

0 93

Ang daming naaliw sa video na ipinost ng isang fan ni Anne Curtis . Makikitang kumakanta ang aktres ng Ulan sa station ID ng ABS-CBN 10 years ago.

Caption ng fan, “naalala nyo pa ba nung kumanta si Anne Curtis ng isang ABS-CBN (ulan) station ID song? solo ang lola nyo! hahahahha CAN’T BELIEVE THIS WAS 10 YEARS AGO. BAMPIRA KAAAA,

@annecurtissmith ???? Mga bagets pa mga kapamilyas here.”

Nakita ni Anne ang nasabing tweet at nire-tweet niya ito.

Caption ng aktres, “Highlight ng career. Kumanta ng station ID song of ABS” na ikinaaliw ng netizens.

Ang dami ring nag-comment na sobrang nami-miss na nila si Anne na hanggang ngayon nga ay hindi pa nagbabalik-trabaho matapos manganak kay Dahlia. Request nga nila, sana raw ay bumalik na ang aktres sa It’s Showtime.

“We miss you Miss @annecurtissmith! Sana daily ka kumanta sa

@itsShowtimeNa pagbalik mo!” komento ng isang fan.

Jennylyn proud kay Dennis

Related Posts

Hindi maitago ni Jennylyn Mercado ang pagka-proud sa kanyang boyfriend na si Dennis Trillo na kasalukuyang nasa Venice, Italy para sa 78th Venice International Film Festival.

Isa sa competing films ang pelikula niyang “On The Job: The Missing 8” directed by Erik Matti.

Sunod-sunod ang post ni Dennis sa kanyang Instagram ng kanyang proud moments at the festival kabilang na nga ang mga papuring natanggap niya mula sa award-winning actress na si Cynthia Erivo, direktor ng Parasite na si Bong Joon-ho at German director Alexander Nanau para sa kanyang performance sa OTJ: The Missing 8.

Ipinost din ni Dennis ang larawan nila ni Bong Joon Ho at ang pagpirma raw nito sa kanyang “Parasite” book. Nakakatuwa na Tito Bong ang tawag niya sa direktor.

“Labyu tito Bong! Thank you for signing my book,” caption ni Dennis.

Sa isang post ni Dennis na larawan niya kasama ang mga juries, ay nagbigay ng kanyang pagbati si Jen.

“Congratulations my love,” mensahe niya sa boyfriend.

Ang sweet naman ng sagot ni Dennis. “Thank you mahal ko, i wish you were here, miss na miss na kita,” aniya at nilagyan pa ng crying face emoji.

Sa kanyang Instagram Story ay nirepost ni Jen ang isang post ni Dennis at nilagyan niya ito ng caption na “You make me so proud. I love you.”

Samantala, habang nasa Italy si Dennis ay abala naman si Jen sa lock-in taping ng bago niyang series sa GMA, ang “Love, Die, Repeat” with Xian Lim.

Leave A Reply

Your email address will not be published.