Abante Tonite Interactive

Anne makikipagtuos kay Sharon sa concert

2,875

Pramis ni Anne Curtis na panghuling concert na niya ang ‘AnneKulit: Promise, Last Na ‘To!’ sa Smart Araneta Coliseum.

Bale 21st showbiz anniversary concert ito ni Anne, na pangatlo na niya sa Big Dome.

Sa August 8 pa ang ‘AnneKulit’ pero mabibili na ang mga ticket nito simula sa Friday, June 15.

Wala pang nabanggit na mga guest ni Anne sa nasabing concert pero baka bet niyang kunin ang isa sa mga reyna ng Viva na si Sharon Cuneta.

Ang Megastar ay ‘kaagaw’ ni Anne sa Korean actor na si Gong Yoo. Siguradong hindi siya hi­hindian ni Mega at pagbibigyan siya nito na sa concert stage naman sila ‘magtuos’ na dalawa.

Nai-guest na ni Anne ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo sa first concert niya na ‘AnneBis­yosa’ nu’ng 2012.

Ang Asia’s Songbird naman na si Regine Velasquez-Alcasid ay nai-guest na rin niya sa ‘AnneKapal’ concert niya nu’ng 2014.

So, this time ay puwedeng si Sharon naman para kumpleto na ang Viva Queens at ‘angels’ ni Boss Vic del Rosario.

Malamang may mga K-pop number si Anne sa ‘AnneKuli­t’ bilang adik na adik siya sa mga K-drama at sa mga Korean actor.

Puwede niya ring i-guest at pakantahin si Dingdong Dantes na leadin­g man niya sa pelikulang ‘Sid & Aya’ na in fairness ay nag-hit sa takilya.

Pia Wurtzbach, Lady Gaga, Paris Hilton mas madaling katrabaho kay Kim

OKEY na si Kim Chiu at ang fashion designer na si John Herrera, na humanash nang bongga against Kim dahil sa ginawa nitong gown na hindi nasuot ni Kim sa katatapos na FAMAS awards night.

Feeling nabastos ang designer nang hindi papasukin sa village ni Kim ang staff niya at hindi matuloy ang fitting, tapos ang sabi raw ng team ni Kim ay isusuot lang nito ang gown kapag nagustuhan nito.

Ang sabi ni John, nagkamali siya sa pag-aakalang hindi na diva si Kim dahil ganu’n pa rin daw pala ito sa mga sponsor designer.

Hindi raw siya nagka­problema sa mga co-host ni Kim sa FAMAS na sina Piolo Pascual at Robi Domingo, kay Kim lang siya nagkaaberya.

Kinumpara pa ni Herrera si Kim kay Pia Wurtzbach na wala raw ego, kay Lady Gaga na marespeto at kay Paris Hilton na madaling katrabaho.

Ipinagtanggol naman si Kim ng stylist nito na si Patty Yap, na ang sabi ay sa side ng FAMAS nagkaroon ng miscommunication.

Wala raw alam si Kim sa nangyari at wala rin itong isyu sa pagsusuot ng gown ni Herrera, kaya lang ay nag-backout na ang designer.

Ayon kay Patty ay never siyang nagkaproblema sa 3 years niyang pagiging stylis­t ni Kim at hindi raw ito kailanman nagpakita ng nega attitude pagdating sa mga susuotin sa mga event.

Ayon sa designer, after nilang magpalitan ng mga tweet ng Kapamilya actress, ‘yun na ang huling pagsasalita nila tungkol dito at moving forward na sila pareho.