Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne mas kuwela kay Kim

0 281

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang tweet, sinigurado ni Anne Curtis sa kanyang mga avid fan na never niyang iiwan ang kanyang It’s Showtime family.

Pangako niya, mula raw magsimula siya sa nasabing show at kung sakaling darating ang panahon na mamamaalam ito sa ere ay asahang nandoon siya.

Aniya, malaki raw ang utang na loob niya sa nabanggit na show na bukod sa nakilala niya ang kanyang mga kaibigan ay naging instrumento rin para umangat ang kanyang karera.

SM food to go Banner Ad

Pero for now daw, priority muna raw niya ang kanyang mommy duties kay Dahlia.

Hindi pa rin siya makakabalik sa Pinas mula sa Australia dahil may travel restrictions pa at patuloy pa rin ang pandemya.

Sa kanyang post, maraming faney at netizen naman ang naka-miss sa kanya.

Sey nila, mas swak daw ang tambalan nina Vice at Anne kumpara sa batuhan nina Vice at Kim sa noontime variety show.

Komento pa ng ilan, mas nakakatuwa raw panoorin si Anne sa pagho-host kumpara kay Kim na umano’y pilit ang pagpapakuwela.

Leave A Reply

Your email address will not be published.