Abante Tonite Interactive

Anne muntik nang mabungi

By
0 2,244

Habang ginagawa ni Anne Curtis ang action-thriller film niyang ‘Buy Bust’ na idinirihe ni Erik Matti, aminado ang aktres na maraming beses siyang nagkasugat-sugat at nagkapasa-pasa sa katawan.

Aniya sa grand presscon na ginanap last Tuesday, ilang beses daw siya pumasok sa ‘It’s Showtime’ na puro pasa ang braso at leg niya. At maging sa kanyang kasal kay Erwan H­eussaff, may fresh wound daw siya sa braso mabuti na nga lang daw at natakpan ng kanyang gown.

“And yes, this was the first time I ever got punched in a face by a man. Hindi naman si­nasadya, ano lang, hindi lang natantiya.

“So, nasuntok ako sa mukha. And dito (sa ngi­pin), narinig ko ‘yung ngipin ko, akala ko, natanggal ang ngipin ko,” kuwento ni Anne.

“So, pagtingin ko, lahat ng nasa set nun’g time na ‘yun, puro lalaki, so ayokong umiyak. Kahit na gusto kong umiyak, pero dahil ako lang ‘yung babae at gusto kong patunayan na kaya ko, hindi talaga ako umiyak,” patuloy pa niya.

Bagama’t nakaranas siya ng mga physical injury habang ginagawa ang pelikula, proud at masaya pa rin siya doing the film at mas lalo na nang matapos ang pinaghirapan nila ng dalawang taon.

“It took two years of all of our lives to shoot, that we dedicated to this film, so this is the first ever film that’s taken me 2 years to shoot, and iba, eh.

“Each and every­one of us sit­ting in front of you today, gave our very best. We brought our best to the table every shooting day. Kaya talagang not just for me, but for the whole cast and our director and the whole team, parang this is why I want people to watch it. Because everyone dedicated two years of their lives to this film,” pahayag pa ni Anne.

When asked kung ano ang reaksyon ni Erwan na nagkasugat-sugat siya, ani Anne, ay mas lalo pa raw naging excited ang asawa niya na mapanood ang pelikula. At mas lalo pa nga raw siyang bineybi nito.

Showing na ang ‘Buy Bust’ sa mga sinehan nga­yong August 1 at kasama rin dito ang Fil-Am One Championship heavyweight champion na si Brandon Vera, sina Victor Neri, Arjo Atayde, AJ Muhlach, Joross Gamboa, at Noni Buencamino.

Joross manghoholdap ng bangko makasama lang si Direk Matti

Ayon naman kay Joross na kasama rin sa ‘Buy Bust’, nang i-offer daw sa kanya ni Direk Erik ang proyekto, umoo na siya agad without even knowing kung ano ang gagawin.

“Kasi, gusto ko talagang makasama si Direk Erik, eh. Kung baga, kung manghoholdap man kami ng banko, o may susunugin kaming bahay, hindi ko alam kung ano ang gagawin, pelikula pala. Basta makasama ko si Direk Erik, go ako, eh,” kuwento ni Joross na new look dahil sa kanyang balbas-saradong mukha.

At tulad ni Anne, ipinagmamalaki rin ng aktor ang pelikula dahil dito sa pelikula, nag-set sila ng bagong standard ng action film dito sa Pilipinas.

“Kaya it’s going to be a challenge para ru’n sa mga kasunod na gagawa ng action movies na kailangan, ‘yung standard nila, medyo mas itataas na nila ngayon. And kung baga, setting the standards, mas maganda ‘yun, parang aangat na lahat, eh. So, thankful ako na maging part nito.”

Pinuri rin ng aktor si Anne at aniya, ang aktres na raw talaga ang papalit kay Angelina Jolie.

“Dahil tumatanda na rin sina Angelina Jolie, siyempre, priorities niya, babies niya, so si Anne muna talaga ‘yung papalit. Napaka­galing dito ni Anne.

“Actually, lahat ng cast, napagmukha naming madali ang napakahirap na ano, dahil makikita ninyo ang dedication ng bawat isa na walang pa-star dito, walang maarte.

“At itong pelikulang ito, araw-araw, may ulan. Tapos ang shooting nito, 6pm hanggang 6am halos every­day. Minsan may nagtu-twenty four hours,” sey pa ni Joross na natatawa.