Anne Mutya ng West Coast Canada
Si Anne Natalie Ruth Longakit ay candidate number 43, kinatawan ng West Coast Canada para sa 50th Mutya ng Pilipinas. Siya ay 4th year Biology student sa University of British Columbia at kasalukuyan ding naka-enroll UBC’s Science Co-op Program at nagtatrabaho sa Women’s Health Research Institute sa BC Women’s Hospital. Masipag na estudyante si Anne, sa katunayan isa siyang Dean’s Lister.
Kasalukuyang aktibo si Anne sa kanilang komunidad. Ambassador din siya ng SOS Children’s Village ng BC at nag-coach sa girl’s volleyball, nag-volunteer sa local at international hospitals at tumulong na magtayo ng eskuwelahan sa Ecuador.
Pagsasayaw, pagbe-bake at graphic design ang ilan sa mga talent ni Anne. Nag-train sa ballet, lyrical jazz, hip-hop, piano at violin. Mahilig din siyang mag-travel, katunayan nakapaglibot na siya sa 19 bansa at mahilig din siya sa extreme sport gaya ng skydiving, rappelling, zip-lining, parasailing, at riding camels. Upang mapanatili ang ganda ng katawan ni Anne, nagpupunta siya sa boot camp 6 times a week.
Isang karangalan kay Anne na i-represent ang Canada sa Mutya ng Pilipinas 2018 at nasasabik na rin siyang bumalik sa Pilipinas upang maranasan ang mayamang kultura ng bansa.
Masungkit kaya niya ang titulo ng Mutya ng Pilipinas na ang grand coronation ay sa September 16, 7PM sa Mall of Asia Arena?