Abante Tonite Interactive

Anne, nabigla sa halik ni Dennis

By
Anne Curtis
14

BUKOD sa pag-arte, plano ni Dennis Trillo na mag-aral ng filmmaking bilang fallback.
Hindi niya ma-ima­gine ang sarili na iiwanan ang showbiz at ang propesyon na napamahal sa kanya nang husto.

Nang makakuwentuhan namin si Dennis sa set ng Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend, sinabi niya na naging mabuti sa kanya ang showbiz dahil nabigyan siya ng magagandang mga project sa telebisyon at pelikula.

“Syempre, hindi lang ‘yon eh. Masuwerte kami na nagkaroon kami ng ganitong trabaho, so, very thankful ako dahil nangyayari ang lahat ng ito.

“Hindi naman lahat ng artista, nagkakaroon ng ganitong klaseng project, nakakatrabaho sina Anne Curtis at Paolo Ballesteros. Kaya very thankful ako sa lahat ng mga nangyayari,” ani Dennis.

Ikinabigla ni Anne na ang kissing scene nila ni Dennis ang unang kinunan ng direktor na si Jun Lana.

Ganoon din ang pakiramdam ng aktor.
“Oo nga, first shooting day pa namin. Med­yo nakakakaba pero buti na lang, ‘yung mga eksena namin, hindi ganoon kaseryoso, nakakatawa siya.

“Hindi naman masyadong nakakailang gawin. Okey naman, nagawa namin nang maayos.

“Sabi ni Direk Jun, may chemistry daw agad kami. So, natuwa kami dahil nagwo-work ang partnership namin ni Anne.

Saka ‘yung rapport,” pahayag ni Dennis na exci­ted dahil natupad ang kanyang matagal na pangarap na makapareha si Anne sa isang pelikula na perfect sa kanilang dalawa.

***

Ella Cruz
Ella Cruz

Inaanyayahan ni Ella Cruz ang lahat na mag-subscribe sa kanyang Youtube channel, ang Ella Cruz.

Mapapanood sa sariling Youtube channel ni Ella ang mga bagong dance video niya.

Mula nang magbukas ang kanyang dance studio sa Kamu­ning Road, Quezon City, mas naging madali para kay Ella ang gumawa ng mga dance video dahil may sariling lugar na siya.

Sad to say, may tagahanga na ginagamit na battle ground ang Youtube channel ni Ella.
Dito sila nagpapalitan ng maaanghang na salita at sinisiraan ang ibang mga artista.

***

Ang kapatid ni James Reid na si Lauren ang mukha ng Viva Modeling Agency (VMA), ang bagong division ng Viva Artists Agency.

Naghahanap ng mga bagong model at ta­lent ang VMA para sa television commercials, print ads, fashion shows, events at beauty pa­geants.

Ang co-production venture ng Viva Live at Viva Entertainment sa Miss Manila, Mutya ng Pilipinas at Miss World Philippines ang isa sa mga dahilan kaya itinatag ang Viva Modeling Agency.

Ang kontrata sa Viva Artists Agency ang ilan sa mga premyo na matatanggap ng mga mananalo sa mga nabanggit na beauty pageant.

***

Nabasa na ng tatay ni Alden Richards ang libro ng kanyang anak na may pamagat na Alden Richards: In My Own Words.

Proud father si Richard Faulkerson, Sr. sa achievements ni Alden na mara­ming pinagdaanan na pagsubok bago nakamit ang tagumpay sa showbiz.

Selling like hotcakes ang In My Own Words dahil mabilis na naubos ang mga kopya nito sa mga bookstore.

Sinabi ng mga salesclerk ng mga bookstore na first day of selling pa lang, sold-out na agad ang libro kaya nag-order pa sila mula sa publisher.

Hindi lamang ang In My Own Words ang mabenta dahil nag-reprint din ang YES! ng kanilang Most Beautiful Stars issue na sold-out din dahil sina Alden at Maine Mendoza ang mga celebrity cover.