Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne nabudol ng poser ni Rabiya

0 99

Sa Twitter, Facebook at Instagram at kahit sa anupamang social media account, talamak na rin ang poser accounts.

Latest na nabiktima nito o nabudol ay ang actress at celebrity endorser na si Anne Curtis . Nag-tweet si Anne sa Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo para magbigay ng belated greetings sa pagkatawan nito sa bansa sa nakaraang Ms. U.

“Before the day ends, just wanted congratulate and thank @rabiyamatteo for giving her all representing the Philippines at this years’ Miss Universe! We are all proud of you! Thank you again for your hard work! Please stay safe and now is the tie to enjoy and relax!” tweet ni Anne.

Sa tweet naman nitong si Anne, hindi napigilang mag-react ng beauty queen na si MJ Lastimosa na best friend ni Rabiya.

Ani MJ, nalulungkot siya na ang dami na palang posers ngayon sa social media.

Aware kasi siya na hindi ang legit na Rabiya ang na-tag niya sa tweet ni Anne.

Kaya naman, tinumbok nito ang poser ni Rabiya sa kanyang tweet.

“@rabiyamatteo, Grabe ka naman na poser Sis. Dami mo ng followers. Pa-videogreet naman dyan,” sey ni MJ sa poser.

Komento naman ng isang nagngangalang artofCallista: “Daming nabudol niyang impostor ah, kulang sa aruga.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, nanawagan si MJ na maging maingat sa posers ng kanyang kaibigan na sa kasulukuyan ay kontrobersyal dahil sa hiwalayan blues nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Neil Salvacion.

Speaking of Anne, sa kanyang latest tweet, ipinahayag niya ang sobra niyang pagka-miss sa kanyang It’s Showtime family.

Jericho susunod na kay Lloydie sa GMA-7

Pagkatapos ng pag-ober da bakod ni John Lloyd Cruz sa GMA-7 sa tulong ng Wowowin host na si Willie Revillame, hindi maiwasang manganak ito ng iba’t-ibang espekulasyon.

Anila, next in line na raw sa lilipat sa GMA-7 ay isa sa prized talents ng ABS-CBN tulad nina Piolo Pascual at Jericho Rosales.

Sey naman ng industry observers, hindi raw imposibleng mangyari ito lalo pa’t tila hindi naman nakatali ang mga ito sa Kapamilya network.

Katunayan, gumawa pa noon ng short-lived Sunday musical variety show si Papa P sa TV 5 samantalang si Echo ay walang ginagawang proyekto sa kasalukuyan sa kanyang mother network.

Maituturing ding napalaki ng utang na loob ng dalawang actor sa dating Star Magic big boss na si Johnny Manahan, na naging consultant ng isang blocktimer show sa Singko noon.

Sa latest chika na lumipat na rin sa Siyete ang dating Star Magic executive na si Mariole Alberto na nasa GMA Artist Center na umano, hindi raw malayong mangyari na ang inaasahang paglipat nina Echo at Papa P.

Sina Echo at Papa P ay ilan lang sa mga artistang malapit kay Alberto kagaya nina Bea Alonzo, Maja Salvador, Claudine Barretto, Angelica Panganiban at marami pang iba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.