Abante Tonite Interactive

Anne naglilihi na?

509

Trending si UNICEF National Goodwill Ambassador Anne Curtis matapos nitong magsalita at mag-perform sa Global Youth Summit 2019.

Tinalakay ni Anne sa summit ang paglikha ng “Safe Spaces for Children and Women”.

Sobrang ikinaaliw rin ng mga fan ang pagbirit ni Anne ng kantang “Never Enough” sa programa. May kataasan ito at mahirap ibirit, pero kinaya naman nito.

“A life changing performance from Ms. Anne Curtis,” ani @chanholics.

Samantala, usap-usapan rin ang kakaibang ikinilos ni Anne kamakailan sa “It’s Showtime” kungsaan pinaghinalaan siya ng mga netizen na buntis ito.

Sa ‘KapareWho’ segment kasi ay hindi napigilan ni Anne na pumapak ng green mangos habang nagho-host ng kanilang noontime show. Napansin ito ng co-host niya na si Vhong Navarro.

Iniisip tuloy ng mga fan na naglilihi na ito. (Jun Lopez)