Abante Tonite Interactive

Anne nagulat sa Black Pink

By
3,260

HAPPY heart for a fangirl si Anne Curtis na ngayon ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Australia. Nasa Melbourne ito ngayon kasama ang mister na si Erwan Heusaff.

Sa unang post niya sa Instagram account niya na ‘first day well spent in Melbourne,’ hindi makapaniwala si Anne na makatatanggap siya ng comment mula sa @blackpink.house ng symbol ng queen chess piece na emoji.

Emojis din ng heart, ha­ppy face at shocking face ang reply ni Anne sa comment sa kanya ng @blackpink.house.

Pero sa kanyang Twitter account, nag-post si Anne na hindi raw siya makapaniwala sa nag-comment sa IG post niya.

Aniya, “I’m still not over dun sa nagcomment sa IG ko. Gulat and Kilig me!!! Like how did this happen? #SoHappy”

Ang Black Pink ay may reality show sa You Tube at JTBC2 at tampok nga ang apat na miyembro ng isa sa sikat na South Korean female K-pop group na Black Pink. Ang IG account ng show nila ang nag-comment kay Anne.

At ang hula ng mga fans, ang miyembro na si Rosé ang posibleng nag-post sa apat na members na kinabibilangan din nina Jisoo, Jennie at Lisa.

Si Rose kasi among the four ang lumaki sa Australia. Posible raw na nami-miss nito ang lugar kunsaan siya lumaki kaya nang makita ang post ni Anne ay napa-comment.

Sa mga hindi nakakaalam, halos wala pang dalawang taon ang K-pop girl group na Black Pink na nag-debut noong August 8, 2016 sa single nilang ‘Square One’. Sinundan ito ng ‘Whistle’ na naging number-one hit sa Billboard World Digital Songs chart at nagtala ng record bilang most-viewed debut music video by a Korean act.

Sa loob ng limang buwan simula nang mag-debut sila, itinanghal na New Artist of the Year sa nakaraang 31st Golden Disc Awards at sa 26th Seoul Music Awards ang Black Pink.

Bukod dito, ang Black Pink ang highest-charting female K-pop act sa Billboard Social 50, peaking at number 15. Sila rin ang kauna-unahang K-pop act to be on You Tube’s Global Top 25 Summer Songs sa kanilang 2017 hit ‘As If It’s Your Last.’

Ang Black Pink din ang kauna-unahang female K-pop act na nakapagtala ng tatlong number-one hits sa Billboard’s World Digital Song Sales chart.

Ang alam namin, more than being a K-pop fan, K-Drama fan talaga ang It’s Showtime host, pero sa pangyayaring ito, hindi na kami magugulat kung magsisimula na rin ang interes ni Anne sa k-pop, huh. Hayun nga at follower na rin siya ng IG ng blackpink.house.