Abante Tonite Interactive

Anne nakaw-eksena sa mga kandidata ng Bb. Pilipinas

684

Habang ang buong sangkabaklaan ay post kete post tungkol sa mga kaganapan sa B­inibing Pilipinas kung saan si Bb. Gazini Ganados mula sa Talisay, Cebu ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2019, ang inyong diva that you love, deadma sa pageant proceedings.

Sa true lang, after Miss Universe 2018 Catriona Gray, malaking pagsubok sa kakayahan at suwerte ni Ganados kung siya nga ba ay maaaring maging pang-limang Pilipina na magwawagi sa pinaka-prestihiyosong timpalak kagandahan.

Si Gray, in her waling-waling inspired fuschia or was it a violet one gown raised not only the flag so high, but the bar para sa kasalukuyang Ms. Universe Philippines.

Kesa manood, mas naaliw pa ako sa mga hanash at kuda ng mga bading tungkol sa mga kaganapan na nangyari sa pageant. Ang mga kapwa diwata at sirena, ang tatalas ng mga mata at ang kanilang mga kuda eh sadyang aliw.

Pansin na pansin nila ang attention grabbing blue gown ni Anne Curtis na gawa ni Michael Cinco. Gusto raw agawan ni Curtis ng limelight ang mga kandidata. Nag-change outfit si Anne na white number, nakalma na ang mga bakla pero may kuda pa rin na “nakahalata” na yata ang dalaga kaya nagpalit. Sa kabuuan ng pageant naka-apat na suot na gown ang aktres.

Marami raw mas magagandang contestant na hindi nakapasok sa finalists. Hindi raw credible ang mga judges at parang naging “It’s Showtime” ang pagtatanghal. Ang stage design, lait kete lait ang tinanggap.

Pati nga ang nanalong Miss Universe Philippines, hindi naman daw wasto ang pagsagot sa tanong sa kanya kaya marami ang takang-taka at nahibang sa pagkapanalo nito.

Sa mga naging thank you binibini, tiyak hindi nila makakalimutan ang kanilang karanasan sa pagsali. Puwede pa namang silang umulit, maaaring sila na ang palarin sa susunod na may korona, sash at title na iuuwi.

Ang mga pinalad, good luck sa inyo. Alam niyong simula pa lang ang laban. Go for gold sa training. Have fun but don’t forget na ang pageantry ay may competition component kaya you need to be the best, if not the perfect version of you.

Ang nakakapagtaka lang, sa mga beauty queen, ang ating pagpili at standard, sakdal taas. Eh bakit sa ibang pagpipilian, lalong-lalo na pagdating sa mga politiko, parang hindi tayo masyadong bothered na this and that person lamang ang nagwawagi?

Hindi na tuloy natin puwedeng ikaila na we are a beauty queen obsessed country. Bongga ba talaga na naging ganito tayo?
***

Mark, Rocco laos na

Ipinakilala na palang pormal ang mga hurado at host sa bagong “StarStruck” season. Alam niyo na naman siguro na ang mga hurado ay sina Heart Evangelista, Jose Manalo at Ms. Cherie Gil. Si Dingdong Dantes at ang StarStruck season 1 female victor, si Jennylyn Mercado ang mga host.

Kung kasabay na rin ang ipinakilala kung sino ang pasok sa reality based artista competition, sana magsipag sila, maging mahusay sa pagsayaw, arte, dancing, singing at hosting, lalong-lalo na sa acting at sana rin meron silang suwerte.

Bakit kailangan ang suwerte? Alam na alam naman nating lahat na hindi kahusayan ang GMA Artist Center pagdating sa pagpapasikat ng kanilang mga artist.

Sa buong “StarStruck” kasaysayan, ang last woman standing na sumikat, naramdaman mong sikat dahil mga pelikulang pumatok sa box office, nagka-recording na talagang binili, nakapareha si Derek Ramsay, Jericho Rosales, Sam Milby, at John Lloyd ay si Mercado.

Si LJ Reyes, naging URIAN Best Actress para sa isang pelikulang walang nakakatanda, hindi sumikat-sikat.

Ang kapareha ni Jennylyn, si Mark Herras, sa kasalukuyang napag-usapan lamang dahil sa kanyang cock photo scandal, hiwalayan kay Winwyn Marquez, ang kanyang kunot noo school of acting. Ito pa ang katotohanang ang dating bidang-bida, support na ngayon sa isang panghapong programa. Career progress ba itong matatawag?

Si Rocco Nacino, mula sa PMPC Star Awards at sa namayapang EnPress Golden Screen, wagi bilang Best New Actor dahil super promising siya at bongga sa “Sa-yaw ng Dalawang Kaliwang Paa.” Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang promise ni Nacino, naging “oh-promise-me” na lang, hindi pa nga sikat na sikat, laos na kaagad.

Ang mga dating nag-StarStruck, sina Paulo Avelino, Cristine Reyes, Ryza Cenon, Enzo Pineda at Aljur Abre-nica, ngayo’y namamayagpag na ang mga karera sa Dos.

Bakit nga kaya mas bumongga sila sa Mother Ignacia station at sa Star Magic Kingdom? Pakisagot, mga taga-Kamuning. Ang mga Pulis Pangkalawakan, may opinion ba?

Si Migo Adecer, kung hindi pa naka-aksidente, pasok na dapat sa the WHO category. Si Klea Pineda, walang dudang the WHO na. Kaya, hindi niyo masisi ang diva that you love sa pagsabi kong hindi marunong magpasikat ang mga taga-Siyete?

Kaya sa next batch of “StarStruck” avengers at winners, good luck, good health, God bless you sa inyong quest to dream, believe and survive. Galingan niyo at iparamdam niyo talaga sa aming lahat na kayo ay talagang nararamdaman at hindi ‘yung kayo-kayo lang ang nakakaalam na artista na pala kayo, huh!