Abante Tonite Interactive

Anne palaban sa pagbalandra ng boobs

By
3,655

ISA si Anne Curtis-Smith sa mga kilalang celebrities ang ayaw paawat na ibalandra sa kanyang Instagram post ang natural resources at hindi mo mapagdududahang fake boobs.

Hindi namin masasabing nagpatalbugan sa pagandahan ng hubog ng kanilang boobs sa kani-kanilang mga Instagram posting ang mga celebrity pero alam mong palaban si Anne na ipasilip ang mga ito sa kanyang followers.

Parang pictorial sa isang garden ang picture ni Anne. Nakaupo ang aktres sa gilid ng isang fence-gate suot ang isang black lace spaghetti strap dress.

Knitted-black cardigan ang “It’s Showtime” host pero nakalaylay ang isang sleeves nito dahilan para malantad ang isang bahagi ng kanyang dibdib.

Ang ganda ng hubog ng boobs ni Anne na kahit hindi pang-bomb shell o pang-sexy star, mapapai­ling ka sa magandang hugis nito.

Ang boobs ni Anne na kahit siguro magkaanak pa ito nang tatlo hinding-hindi masisira ang porma dahil may ilalaki pa ito.