Abante Tonite Interactive

Anne, Park Bo Gum nagsagutan sa Twitter

323

Alwin Ignacio

Kung s­ingle and ready pa to mingle si Mrs. Anne Curtis-Heussaff, may chance kaya sila ni Park Bo Gum? Alam naman natin how Korea’s sweetheart charmed and made the hearts of his adoring Filipino fans sa kanyang pagdalaw sa Pilipinas nating mahal. Short yes, but super saccharine, indeed.

Ang diva that you love, naitanong lang iyan kasi nga parang may namuong mutual admiration club kina Anne at Bo Gum lalo na kung inyong mababasa ang kanilang social media exchange kamakailan sa Twitter.

Ang tweet ni Curtis: “Thank you @BOGUMMY for visiting Manila. You made thousands of Filipinos happy tonight. It was a fan meet but felt like an all-out concert.

“Thank you for being such a polite gentleman. May God continue to bless you with the gift of inspiring & making millions of people happy! (heart emoticon).”

Ang counter-tweet ni Bo Gum: “Thanks a lot for your kind words. It was a happy time indeed thanks to your help. I hope to see you again soon, and may God continue to bless you too with all the gifts He has prepared for you. Take care!”

Awww! Hindi ba ang sweet? What a congenial gesture from Bo Gum na mag-react pa kay Anne. Alam mong may fondness sila for each other na sa may malilikot na imahinasyon na gaya sa diva that you love, nakakatuwa na dahil nga sa advancement of technology, ang mga million miles away from us na artista tulad ni Ginoong Park ay ka-tweet exchange ni Mrs. Heussaff.

Ang pangmalakasang tanong ko, kailan naman kaya darating ang panahon na may isang Filipino actor na siya namang pagkakaguluhan at magkaka-fan meet sa Korea?

‘Yung mga nakakahikab na finalist sa “Idol Philippines”, isa kaya sa kanila eh mararamdaman man lang ng mga Koreano?

Eh ang Top 14 mula sa “StarStruck,” sa mga young men na contender, may isa kaya sa kanilang maging oppa para sa mga people from the land of the morning calm?

Well, abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata.

Maine-Arjo mauuwi sa kasalan?

Masayang-masaya na siguro ang mga panatiko ni Philippine Sweetheart Maine Mendoza. Bakit kaniyo? Kasi nga, may bagong public sighting si Mendoza kasama ang kanyang kasintahang si Arjo Atayde.

Sa mga magdadabog ang bangs at titilian ako na wala pa naman silang opisyal na pag-amin, from the last time I check, demokrasya naman ang namamayani sa bansa natin kaya may freedom of choice kayo kung gusto niyong to look the other way, maging in denial o kaya manalig pa rin na kikidlatan si Menggay at mabubuhay pang muli at kakabog ang kanyang puso para kay Alden Richards.

Sa mga larawang ibinahagi kung saan pumunta ang magsing-irog sa isang lugar na dapat ay may katatakutan kang mararanasan, parehong naka-black shirt ang dalawa, may ice cream design nga lang ang kay Mendoza at walang duda na the young lovers had a great time together.

Pangmala­kasan na talaga ang pagpapakita nila sa lahat ang kanilang pagsasamahan. Mas mainam na ganito sila, lantad. Hindi inililihim ang relasyon at pagmamahalan.

Mauwi kaya ito sa kasalan? Ay! ‘Yun talaga ang pangabog ‘pag nangyari.
Mas masaya pa ‘yun kaysa sa “Sunday PinaSaya,” hindi ba naman?