Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne pinantasya ni Yorme

0 152

NI: ARCHIE LIAO

Sa isang panayam, ipinakita ni Manila City Mayor Isko Moreno ang kanyang tipikal na araw bilang alkalde ng lungsod.

Ayon kay Isko, sa city hall na raw siya tumira mula nang pumutok ang Covid-19 pandemic para raw matutukan niya nang husto ang mga problemang kinakaharap ng siyudad.

Sa isang kuwarto sa opisina niya, doon na raw siya natutulog.

Kasama sa dorm niya si Yorme, isang Caucasian shepherd dog na regalo sa kanya ng isang mataas na Russian official.
Meron din siyang aquarium ng exotic fishes na para sa kanya ay therapeutic kapag nakikita niya after a hard day’s work.

Sa mga nang-uurot naman na baka may dinadalang babae umano si Yorme sa tinitirhan niya sa City Hall, sey niya, malabong mangyari iyon dahil may CCTV ang lugar.

Besides, nananatiling faithful daw siya sa kanyang asawa na nauunawaaan ang demands ng kanyang trabaho.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa nasabing panayam, naikuwento rin ng butihing mayor ang kanyang rags to riches story mula sa pagiging poor Tondo boy hanggang sa pagiging successful actor at politician.

Natanong din siya tungkol sa kanyang showbiz career at kung sino sa mga artistang babae o leading lady ang pinantasya niyang makatambal.

“Ngayon? Kaya lang may asawa na eh. ‘Yung sa Showtime. Anne Curtis tsaka si Bea,” sey ni Yorme.

Sa interview ding iyon, sinabi ni Isko kung bakit tutol siyang pumasok sa showbiz ang kanyang mga anak.

Aniya, ayaw daw niyang mangyari na dahil sa showbiz ay maudlot ang pag-aaral ng mga ito.

Sa kaso raw naman ni Joaquin, ang pagpayag daw niya rito ay bahagi ng kumpromiso nilang okey lang na mag-artista ito as long na hindi nito pababayaan ang kanyang studies.

Leave A Reply

Your email address will not be published.