Abante Tonite Interactive

Anne sa L.A., bachelorette party lang at hindi kasal

By
Anne Curtis
11

NAGKITA naman kami ni Karylle sa Panorama City sa California. Nagkataon na may presscon sila ni Vhong Navarro sa isang Filipino restaurant doon noong Lunes nang gabi (kahapon ng tanghali rito) at ang kaibigan naming si Vic Perez, ang tumutulong sa concert nila na Tawag Ng Tawanan.

In fairness, ang aga ni Karylle sa presscon nila, pero late si Vhong, kaya nang hanapin namin sa kanya ang It’s Showtime co-host, nagbiro siya na American time siya at ewan niya sa iba.

Sa tsikahan namin ni Karylle, nabanggit namin sa kanya na may mga Pinoy na nag-akalang sa Los Angeles, California ikakasal si Anne dahil nandoroon na rin ang kasamahan nila sa It’s Showtime at ilang close friends nito, pero ang totoo nga, bachelorette trip ‘yon ng grupo ng fiancé ni Erwan Heussaff at nagkataon naman na sina Karylle at Vhong ay may concert series.

“Makakasama ka ba sa bachelorette events ni Anne rito sa L.A.?” tanong namin kay Karylle.

“Hindi nga, eh. Busy sa shows namin ni Vhong. Hindi na rin naman ako puwedeng mag-extend,” sey ni Karylle.

After pala ng concert series nila ni Vhong, babalik kaagad ng ‘Pinas sina Karylle dahil kailangan huwag silang masyadong matagal mawala sa It’s Showtime!

Samantala, nang dumating sa venue ng presscon nila si Vhong ay nagkagulo ang mga tao.