Abante Tonite Interactive

Anne sinisipa ng baby

485

Mula sa Melbourne, Australia, nakausap ng Showtime family ang aktres na si Anne Curtis-Smith sa pamamagitan ng video patch. Personal at live nila itong binati sa kanyang kaarawan nitong Lunes, Pebrero 17.

Bakas sa mukha ng soon-to-be mommy ang saya na makita ang mga kaibigan sa It’s Showtime at ang madlang pipol na itinuring na niyang ikalawang pamilya.

Ipinahayag niya ang excitement na lumabas ang baby girl nila ng asawa na si Erwan Heusaff.

Aniya, “Super relax lang … ayon, malapit ng lumabas si baby kaya nakakainip pero miss na miss ko na rin kayo (Showtime family) pero I am so happy that I get to have this time talaga to showcase and prepare myself to become a mom.”

Inilarawan din ni Anne ang nararamdaman ngayong nasa ikatlong trimester na siya ng pagbubuntis. Sey niya, “Makulit na makulit si baby, feeling ko manang-mana sa akin. Malakas siyang sumipa, magalaw na, hindi na ako nakakatulog ng maayos kasi ginigising niya ako … sinisipa ako sa ribs pero masaya kaya feeling ko paglabas nito makulit.”

Humingi rin siya ng panalangin mula sa Showtime fam at sa madlang pipol na maging healthy ang kanyang magiging anak.Kasama rin sa wish niya na sana ay maging maganda ang boses nito.

Ani Anne, “Ang wish ko lang na sana pag-pray nyo lahat na sana healthy si baby tsaka maganda yung boses niya.”

“Let’s claim it na healthy si baby pero sana ‘wag gumanda ang boses niya kasi kapag maganda ang boses niya baka matakot tayo kasi iba ang ina niya. So let’s pray na sana healthy, healthy, healthy, healthy,” biro ni Vice Ganda kay Anne na nagpatawa sa madlang pipol. (Rona Ronda)