Abante Tonite Interactive

Anne sumawsaw kay Erwan sa ‘Buhay Carinderia’?

By
2,860

Sinubukan naming kunan si Erwan Heussaff thru his Twitter account ng kanyang pahayag sa kontrobersya tungkol sa Buhay Carinderia project ng opisina ni Cesar Montano.

Sangkot ang guwapong mister ni Anne Curtis sa isyu dahil siya ang kinuhang Content Creator ng marke­ting arm na nirelisan nga ng pinag-uusapang 80 milyong piso.

And since pinatitigil ito ni bagong hirang na Dept. of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, does this mean na hihinto na rin si Erwan bilang content crea­tor ng Buhay Carinderia? At paano kayang maapektuhan ang kanyang ‘chef’ career?

Paano siya pinapayuhan ni Anne na sanay na sanay humarap sa iskandalo o intriga? Sumawsaw ba ang aktres sa isyung ito bilang suporta sa kanyang mister?

Dingdong at Anne, 2 dekada bago nag-partner

Still on Anne, very positive ito sa ganda ng istorya ng movie na pagsasamahan nila ni Dingdong Dantes.

More than 20 years in the making daw na maituturing ang Sid & Aya Not A Love Story nila dahil mga bagets pa lang daw sila ay nagkakatrabaho na sila, pero never silang naging magka-love team.

“Hindi lahat ng may I love you ay love story. You have to watch this for you to understand,” pag-imbita pa nito du­ring the grand presscon ng movie.

Hindi rin daw mabibitin ang mga maghahanap ng mga kissing and intimate scenes nila ni Dong dahil bahagi nga ito ng magandang kuwento ni direk Irene Villamor.

Showing na ngayong Mayo 30 ang pelikula na handog ng Viva Films.

***

Nakita namin ang post kung saan masayang ngi­ningitian ni JC de Vera ang nanay na may bagong silang na baby.

Then we learned later, na ito nga ang non-showbiz girlfriend ng aktor kung saan for the first time ay nagkaanak siya.

Ayaw pang magdetalye ni JC pero soon they will share their happiness to the public.