Abante Tonite Interactive

Anne talunan sa negosyo ni Vice Ganda

28

Mamayang gabi na ang Ganda For All concert ni Vice Ganda sa Smart Araneta Coliseum. May kina­laman sa Vice Cosmetics niya ang concert na ito ng gay TV host/comedian.

Sa pagkakaalam namin, may free tickets para sa concert na ‘yon ang mga unang bumili ng mga make-up ni Vice. Actually, pagka-launch pa lang daw ng make-up brand ni Vice, ubos na kaagad ‘yon, huh!

‘Yung website nga raw ng Vice Cosmetics, nag-crash pa sa sobrang dami ng nagbu-view at umo-order. Sobrang happy nga si Vice dahil sa success ng kanyang bagong business venture.

Ang It’s Showtime co-host niya na si Anne Curtis, may sariling line rin ng make-up, pero ang tsika sa amin ng isang insi­der sa make-up industry, mas malakas daw ang benta nu’ng kay Vice.

Mas mura raw kasi ‘yung mga make-up na ibinebenta ni Vice kum­para sa mga make-up ni Anne.

Ang narinig pa naming kuwento, noong una raw, dapat ay mas mataas ang presyo ng mga make-up ni Vice, pero hindi raw pumayag ang gay TV host/comedian dahil ang sabi raw niya ay kailangan siya ang umabot sa kanyang fans at hindi ang mga ito ang aabot sa kanya, kaya dapat lang daw na sa mas mababang presyo ng kanyang mga make-up, na effective naman dahil ‘yung naunang batch na dumating, ubos kaagad, ‘noh?

And in fairness sa qua­lity ng mga make-up ni Vice, maganda ‘yon. Isang kaibigan namin ang bumili ng kanyang lipstick at bongga raw at hindi ka-cheap-an ang dating.

Nakatutuwa nga pala na 4 days ago ay ni-repost ni Regine Velasquez-Alcasid ang Instagram post ni Vice kaugnay ng kanyang concert mamayang gabi.

Eh, second night din ng concert ng misis ni Ogie Alcasid mamayang gabi, pero wala siyang pakialam na i-promote ang kasabay na concert, huh!

Ruffa tawa-iyak sa paghuli ng eel

NAKAKALOKA ang eksena sa backstage ng Eat Bulaga noong Biyernes during Bulagaan Olympics 2017.

Nang si Ruffa Gutierrez na kasi ang sasalang bilang part ng blue team, nagkagulo na ang mga nasa backstage at lahat ay tumutok sa ilang monitors na nandoon.

Ang may hawak nga ng social media account ng Eat Bulaga na si Therese, tinakbo pa kami sa labas ng studio para sabihing sasalang na si Ruffa.

Sure kasi sila na magiging laugh trip ang mga gagawin ni Ruffa sa Bulagaan Olympics 2017, kaya lahat sila ay excited, huh!

Nangyari naman ang ine-expect nila, dahil ‘kaloka nga si Ruffa. Sa ‘pabitin’ part ng nasabing game segment, sili ang nakuha ni Ruffa sa pamamagitan ng bibig niya.

“My gosh, nilulon ko talaga!” sey sa amin ni Ruffa after.

Bumagsak pa si Ruffa sa sahig sa game na ‘yon at nataranta ang mga taga-Eat Bulaga sa pagtulong sa kanya.

Sa pagkuha naman ng eel o igat, takot na takot si Ruffa at dulas ‘yon nang dulas sa kanyang mga kamay, kaya hindi siya naging successful at tili siya nang tili na ikinatawa naman talaga ng mga tao sa loob ng studio at nu’ng maka-one minute na at hindi pa rin siya nakakukuha ng igat, tinu­lungan na siya ng teammate na si Rodjun Cruz.

Si Ruby Rodriguez na host ng game segment na ‘yon, tawa nang tawa kay Ruffa.

Sa social media naman, pinag-usapan ang exposure ni Ruffa sa Bulagaan Olympics 2017 at tawa raw sila nang tawa sa reactions ni Ruffa sa pagkuha ng eel. May iba na naiyak na raw sa katatawa kay Ruffa.

Mismong ang boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal ay kinunan sa TV ang paghuli ni Ruffa sa eel o igat at ipinost ‘yon sa social media, na ni-repost din naman ni Ruffaree.

May iba rin na nagre-request na sumali uli si Ruffa sa nasabing game segment ng Eat Bulaga.

“My gosh, tawa ako nang tawa nang mapanood ko ang video. During the game, natatawa ako na natatakot habang kinukuha ko ‘yung eel. Halos maiyak na nga ako sa katatawa.

Hahaha,” kuwento ni Ruffa.