Abante Tonite Interactive

Anne, Toni, Kris nakaw-eksena sa eleksyon 2019

740

Ni Roldan Castro

Ginamit ng mga artista ang kanilang karapatan sa Halalan 2019. Umariba ang star power. Lumabas sila ng bahay, bumoto at naging scene-stealers sa polling precincts sa mismong araw ng eleksyon.

Bahagi na rin ito ng suporta nila sa kanilang mga kapamilya at kaibigan na kandidato.

Sa Instagram account ni Ara Mina, nag-post siya ng photo nila ng kanyang ama na si Ismael Mathay III.

@Therealaramina: “Tapos na po kami bumoto ni dad MAYOR ISMAEL MATHAY III. Sa mga boboto pa lang maging WISE po tayo sa ating decision. Kaya SMILE na QC. CHUCK YAN! … TO GOD BE THE GLORY!”

Sabay namang bumoto ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa San Isidro Elem. School sa Taytay, Rizal. Kasama nila ang kanilang ama na si Bonoy Gonzaga na tumakbong alkalde at si Mommy Pinty. Viral na ang kanilang video sa social media sa pagboto nila. Nakangiti sa video si Toni samantalang seryoso naman si Alex.

Ang komedyanteng si Dagul ay bumoto rin sa San Jose Elementary School.
Tumakbo naman siyang konsehal sa Rodriguez, Rizal.

Si Kris Aquino ay nag-post din sa kanyang IG account na may indelible ink sa index finger. Ang caption niya (@krisaquino): “Yesterday we expressed love for all our mothers for guiding us, nurturing­ us, and loving­ us… today let’s honor our MOTHERLAND by voting, and help in tho the shaping­ & protecting of the Philippines’ destiny.

“Kagaya ng pakiramdam ng bawat anak, na ayaw mapahiya o maging pabigat sa nanay, na ang hangarin ay pwede syang­ ipagyabang ng kanyang ina dahil napalaki syang­ mabuti, masipag, matulungin, matalino, at mapagkakatiwalaan, ganun sana ang adhikain nating lahat­ tungkol sa Philippines. To make the country we love proud that we are her children.”

Kahit si Angel Locsin ay nag-share ng larawan ng inked finger sa kanyang IG account na may caption na “Your country’s future is in your finger tips.. Vote for a better tomorrow.”

Bumoto rin si Senator Grace Poe kasama ang kanyang ina na si Susan Roces sa San Juan.

Magkasama naman sina Heart Evangelista at Chiz Escudero sa polling center sa Sorsogon.
Bumoto rin sa Pasig si Vic Sotto bilang suporta sa kanyang anak na si Vico Sotto na tumakbong alkalde sa nasabing lungsod.

Si Korina Sanchez ay may mensahe naman sa kanyang mister na si Mar Roxas na senatoriable.

“Honey, bilib ako sayo tiniis mo lahat ng demonyo sa paligid mo; am in awe at what you’ve accomplished and contributed to the poor and to this country, ang dami; am very proud of you that you carried on and did the work without making a centavo for yourself; am so excited you may get this chance to serve again. I love you.”

Sey naman ni Anne Curtis: “Done! Hope everyone exercised their right to vote and votes wisely today. Praying for a peaceful Election Day.”
Sama-sama ring bumoto sa Bacoor City ang senatoriable na si Bong Revilla Jr., Bacoor City Mayor Lani Mercado, at Vice Governor Jolo Revilla.
Balita rin na sumakay ng speed boat si Imelda Papin para makaboto sa Camarines Sur.

Naging priority rin daw ito dahil senior citizen.
Habang tinitipa ito ay lumalabas na ang unofficial at partial result ng Eleksyon 2019.