Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Anne trending ang pagsampay

0 97

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Anne Curtis ang tipikal na buhay niya bilang ina at maybahay sa Australia.

Proud siyang nag-share ng photo ni Baby Dahlia na 10 months old na.

Nagtalo pa nga ang mga netizen kung sino ang nagiging kamukha ng bata: kung si Anne ba o si Erwan.

Habang nasa Melbourne, viral din ang video kung saan nagsasampay siya ng blanket, towel at linen sa kanilang backyard at pagkatapos ay rumampa.

Sey niya:” Household chores but make it fun.Sampay but fashyown!”

Pinuna naman siya ng isang netizen kung wala raw ba itong dryer at nagtitiyaga sa pagsasampay.

SM food to go Banner Ad

Sagot ni Anne, meron daw naman silang dryer kaya lang masunurin daw siyang anak sa kanyang Mama.

Turo raw kasi ng nanay niya na kung may araw, mas magandang magpatuyo ng sinampay sa init ng araw.

Nakakuha naman ng mga kakampi si Anne sa followers niya na nagsasabing wais daw ang ginagawa nito.

Bukod sa ehersisyo sa katawan, nakakatipid din daw ito sa kuryente at nakatutulong sa Mother Earth.

Dagdag pa nila, mas mabango rin daw at mas malinis ang mga damit na pinatuyo sa araw.

Hirit naman ng ilan, hindi raw nakakalimutan ng aktres ang ugaling Pinay.

Di rin daw nito ikinahihiya ang paggawa ng household chores.

Nagbiro naman ang kaibigan niyang si Isabelle Daza kung bakit puro gamit pambata ang nilabhan o ibinandera niya at walang panty at brief.

Leave A Reply

Your email address will not be published.