Abante Tonite Interactive

Anniversary derby na mamaya – Nene

0 251

Isa pang malakas na stagfest ang bibira sa malamig na Las Pinas Coliseum sa pailanlang ng 30th Anniversary 5-Stag Derby ngayon.

Dinumog ang AAO Big Event 6-Stag Derby na tinampukan ng 162 sultada nitong Sabado, Setyembre 7.

Sasalang ang mga kalahok sa 2-stag elims at dapat umiskor ng isa o higit pang puntos upang makasulong sa 3-stag finals sa Set. 15 na puwede rin ang straight five stags.

Sasalang ang ikalawang grupo sa Huwebes, Set. 12.

Garantisado ang P850,000 papremyo at may entry fee na P11,000 ang pasabong na ito ni Mayor Nene Aguilar. Pero tanging locally-banded stags ng International Federation of Gamefowl Breeders (FIGBA-Bakbakan) at Pambansang Federation Ng Gamefowl Breeders, Inc. (PFGB,Inc.-Digmaan) ang puwedeng ialabang mga tinali.

Si coliseum manager Alex Tobias naman ang magiging abala para “Alexander 4 -Stag Derby” sa Oktubre 16. (Enjel Manato)