Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Announcer tinimbog sa P40K kikil

0 116

TIMBOG sa entrapment operation ang isang radio announcer na block-timer matapos ireklamo ng isang negosyante ng pangingikil ng P40,000 sa Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ng Tuguegarao City Police Station (TCPS) ang suspek na si Rommel Mendi, 46, announcer sa nasabing siyudad, taga-San Fermin, Cuayan City, Isabela.

Sa report ng TCPS, base sa reklamo ni Dennis Avila, may-ari ng Deltal Global Aces Contraction Trading, nilapitan umano siya upang kuning advertiser sa programa ng suspek sa kanyang YouTube account.

SM food to go Banner Ad

Agad nagbigay ang suspek ng subscription letter kay Avila na nagkakahalagang P40,000 bilang kabayaran sa kanyang programa sa radio.

Dito tumanggi ang negosyante sa alok ng suspek at mula noon, hindi na umano maganda ang pakikitungo ng suspek sa kanya at napansin niya na may kasama ng pananakot ang salita ni Mendi.

Agad na humingi ng tulong ang negosyante sa National Bureau of Investigation-Region 2 (NBI-R2) ay hinuli si Mendi sa loob ng isang establisyemento sa Tuguegarao City. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.