Abante Tonite Interactive

Ano ang pag-aayuno?

By
0 199

julius-segoviaAsh Wednesday ang hudyat ng simula ng Kuwaresma. Para sa maraming Katoliko, ito rin ang panahon ng pag-aayuno. Sa homily ni Fr. Virgilio Mendoza noong nakaraang Miyerkules ng Abo, iginiit niyang walang kinalaman sa pagpapapayat o pagda-diet ang fasting.

‘Pag sinabi raw pag-aayuno, pagbabawas o pag-iwas ito sa mga bagay na nagpapasaya sa atin.

Kung dati babad ka sa panunuod ng telebisyon o pakikinig ng radyo, bawasan mo raw ito. Mainam din kung iiwas muna sa pagsa-shopping o pamamasyal sa mall. Halos buong araw rin tayong tutok sa cellphone at iba pang electronic gadgets. Bakit hindi raw subukang itigil muna ang paggamit ng social media ngayong Lenten Season?

Abante Hiring – IT dep

Punto ni Fr. Mendoza, makibahagi tayo sa pagpapakasakit at mga paghihirap na dinanas ni Hesukristo mailigtas lang ang sanlibutan sa kasalanan.

Wala namang sinusunod na sistema ng pag-aayuno ang Simbahang Katolika. Pero nakaugalian ng marami na umiwas sa pagkain ng karne at iba pang dairy products tuwing Kuwaresma. Kabilang na ang chocolates, cakes, cookies, at soft drinks.

Ang iba naman, nagiging vegetarian sa buong 40 araw ng Lenten Season. Sa ibang pamilya naman, isda ang bida.
Sabi ni Fr. Mendoza ‑­ ginagawa raw ang fasting para makapagbahagi tayo sa kapwa higit lalo sa mga na­ngangailangan at nagugutom. Mas maha­laga raw ang spiritua­lity ng tao kapag ginagawa ang pag-aayuno.

Ang sa akin lang – kanya-kanya man tayo ng paniniwala sa kahulugan ng pag-aayuno ‑­ ang mahalaga, isapuso natin ang diwa nito.

Ngayong Lenten Season, inaanyayahan din tayong magbalik-loob sa Panginoon. Ito rin ang tamang panahon para magnilay at magsakripisyo.