Abante Tonite Interactive

Ano ang proseso ng pagpapatitulo ng lupa?

10,518

Dear Atty. Claire,

Good day po. Ask ko lang po ano ang proseso sa pagpapatitulo ng lupang nabili?

Naipa-survey na po at may muhon. Kailangan pa po bang ipasukat uli bago magpatitulo?

May deed of sale po kaming hawak.

Salamat po,

Lyn from Capiz

Ms. Lyn,

Nais ko lang liwanagin kung anong klase ng pagpapatitulo ang ating pinag-uusapan. Kung ang nabili mong lupa ay may titulo na… ang masusunod na sukat o technical description ay kung ano ang nakasaad sa titulo.

Alamin muna kung ang lupang nabili ay may dati nang titulo o magpapagawa ka pa lamang ng Original Certificate of Title.

Kung wala pang naunang titulo ay kakailanganin mo ay ang isang plan survey na aprobado ng Land Management Bureau.

Kung ang plan survey na iyong pinagawa ay aprobado naman na ay maaari mong simulan ang pagpapatitulo sa pamamagitan ng pag-file ng Petition sa Korte kung saan isusumite mo ang mga requirements tulad ng Approved Plan Survey, proof of possession, etc.

Kapag nakita ng korte na legal at kumpleto ang dokumento mo ay tiyak na mapapayagan ang pagpapatitulo ng lupa.

***

Atty. Claire,

Good day po. Ask ko po kung saang sa­ngay dapat pumunta para malaman kung sino ang may-ari ng isang lupa na kinatitirikan ng bahay ko o kung me­ron bang may-ari nito.

At paano ito maipapangalan sa isang tao kung walang pang nagmamay-ari nito?

Salamat po,

Roberto

Mr. Roberto,

Ang isa sa mga sangay na maaari mong puntahan upang malaman kung ang lupa na inookupahan mo ay mayroon nang may-ari ay ang Tax Mapping Division sa inyong munisip­yo o lungsod.

Ang Tax Mapping ay isang paraan na ginagawa upang malaman at matukoy ang mga parsela ng lupa at ma-classify ito para sa tamang pagbabayad ng buwis.

Sa Tax mapping din mala­laman kung ang isang property ay deklarado na inookupahan o kung may titulo na.Makipag-ugna­yan lamang sa Tax Mapping Division at ibigay ang address ng nasabing lugar at makikita sa record nila kung ang lupa ay titulado na.

Maaari ka ring pumunta sa Assessor’s Office at sabihin ang address ng iyong tinutuluyan at sabihin na nais mong ipadeklara ito sa pangalan mo at ito ay iyong ipasuri (ocular inspection) at kapag nabatid nila na qualified ito na ideklara sa pangalan ay magkakaroon ka ng Real Pro­perty Tax Declaration at babayaran mo ang amil­yar taon-taon.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/9220245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.