Abante Tonite Interactive

Ano ang rights ng nagsangla?

2,299

Good afternoon, Atty. Claire! I just wanna consult regarding po sa pagsangla ng isang room ng bahay. If ever po ba na isangla at matubos na pero pinalagyan po nila ng 2nd floor. Ano pong rights ng nagsangla? Required ba kami na bayaran ‘yung nagastos sa pagpagawa ng 2nd floor?

Thank you,
Abigail
***
Dear Ms. Abigail,

Kung isinanla lamang ang isang ari-arian ay walang karapatan ang napagsanglaan na gumawa ng unnecessary improvement rito at saka pababayaran sa nagsangla.

Ang Real Estate Mortgage ay isang kasunduan ng nagpautang at umutang upang mayroon lamang magiging panagot kung halimbawang hindi na mabayaran ang utang. Ang ari-arian na isi­nangla tulad ng bahay o anumang lupa ay kadalasang hindi naman ibi­nibigay ang possession o karapatan mag-okupa sa napagsanglaan. Mayroon lamang ka­sing nagkakasundo na ang napagsang­laan ang mag-ookupa upang magamit ito at kung anuman ang magiging income nito ay ibabawas sa utang.

Sa kalagayan ninyo kung sakali na pinao­kupa mo at naglagay sila ng improvement nang walang pahintulot mo ay hindi ka obligado na bayaran ito. Unang-una ay bawal mangsagawa ng istruktura nang walang building permit. Kaya kung wala kang pahintulot at tiyak din na walang building permit ‘yan.

Kapag nabayaran mo na ang utang mo ay bawiin na ang ari-arian at ipatanggal na lamang ang lahat ng pinagawa niya basta’t hindi maaapektuhan o masisira ang anumang parte ng ari-arian mo dahil kapag may masisira rito ay hindi na niya maaa­ring tanggalin ito dahil siya ay isang builder in bad faith.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com