Abante Tonite Interactive

Ano ang semen facial?

0 714

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra. Holmes:
Ano po ang semen facial? Sino ang mga gumagamit nito? Nakakatulong ba talaga? God bless Rita

Rita:
Maraming Sala-mat sa sulat mo. Ang facial ay isang prose-so na pampaganda ng kutis sa mukha. Ang semen facial ay facial na ang nilala-gay na pampaganda ay ang tamod ng lalake. Kahit sinong nagpapa-facial ay maaaring bumili ng semen facial. Marami ang nagsasabing nakakaganda raw ng kutis ang semen facial, pero marami ring nagsasabi na hindi ito totoo.

Ang mga nagsasabing nakakatulong ng semen facial ay mga taong naniniwala na ang spermine na nasa tamod ng lalake ay nakakatulong labanan ang mga mantsa (blemishes) sa mukha ng tao. Ginagawa ng spermine ito sa pamamagitan ng pampaalis ng maga (inflammation sa mukha). Pero ang spermine ay hindi lang nakukuha sa tamod ng lalake, pero sa iba pang bahagi ng katawan. Hanggang ngayon, wala pang pananaliksik na nagpapatunay na totoo ito.

Related Posts

Mayroon ring naniniwala na ang tamod ay nakakatulong lumaban sa epekto ng pagtatanda, pero gaya ng spermine, wala pang pananaliksik na nagpapatunay nito.

Ang pinakamabisang paraan para manatiling mas bata(?) ang inyong mukha ay gumamit raw ng serum (produkto na nagpa-pabata raw) na may malaking proporsyon ng Vitamin C at retinoids. Mayroong ding mga moisturizer na nakakatulog, lalo na ang may glycerin at hyaluronic acid. Lahat ng mga ingerdients na ito ay nakalista sa kahon o papel na nakalagay ang impormasyon tungkol sa produkto.

Finally, isa pang nakakabata daw (at sana totoo kasi ito lang ang nagagawa ko) ay protektahan ang inyong sarili sa sikat ng araw. Ito ay magagawa sa 2 paraan: gumamit ng sunblock at magsuot ng sumbrero o bandana.

Minsan, mayroong tutukso sa iyo kung magsuot ka ng sombrero, na parang “th” (trying hard) ka o nagpapasosyal. Tawa ka nalang, at depende sa lalim ng inyong relasyon, maaari mong ipaliwanag sa kanila bakit ka nagsosombrero. Pero, mag sombrero ka pa rin, oara maprotektahan mo ang balat mo. Sana nakatulong ito, kahit konti? Ingat—MG Holmes
***
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.