Abante Tonite Interactive

Ano ang tamang isolation ?

1,307

Panibagong buwan, sa halos mahigit na dalawang linggo na tayo ay naka expanded quarantine dahil sa kamandag ng Covid 19 o Coronavirus. May mga nagtatanong sa atin kung ano ba ang talagang tamang isolation kung tawagin at sino-sino ba ang kailangan sumailalim dito. Dahil dito, alamin na muna natin kung ano ang ibig sabihin ng PUI at PUM. Ang una ay person under investigation.

Isang indibidwal na may mga sintomas na maaaring manggaling sa Covid 19, maaaring ito ay nakuhanan na ng sample para ma test kung talagang positibo o hindi pa. ang pangalawa naman ay ang person under monitoring, na ang ibig sabihin ay wala naman nararamdaman o sintomas, ngujnit sa kanilang history ay nanggaling sa byahe o di kaya nakisalamuha sa isang tao na maaari o talagang positibo sa Coronavirus. Ang mga ito ay talagang kinakailangan hidi lang maquarantine kundi ma-isolate o mahiwalay sa mga ibang tao.

Ang prinsipyo ng isolation ay para hindi makuhang lumipat ng virus at makahawa pa ng iba. Kaya pag sinabing isolation, madalas magisa sa kwarto ang isang tao. Lahat ng kagamitan niya ay kailangan sa kanya lang at hindi na ihahalo sa ibang gamit sa bahay. Ang makikipagugnayan sa kanya ay dapat protektado, hindi lang naka mask kundi kung maaari ay naka personal protective equipment o PPE. Lahat nang mahawakan ng indibidwal na naka isolation ay dapat madisinfect. Hugasan ng mabuti, mag alcohol o kung dahil mahirap nang makakuha ng alcohol ay maaaring gamitin ang solusyon ng Clorox na inihalo sa tubig. 9 na parte ng tubig sa 1 parte ng Clorox ang gamiting panlinis sa lahat ng gamit at nahawakan ng inoobserbahan. Kung maaari sana ang banyo ay pansarili lang niya. Kung nagkataon na iisa lamang ang banyo, kada gamit nito ay dapat madisinfect agad. Ang timing ng pag isolate ay 14 na araw o dalawang linggo. Ganito katagal sahil base sa pagsusuri, ang incubation period ng Coronavirus ay hanggang 14 na araw. Ito ang panahon na maaaring lumabas ang sintomas sa isang nahawa.

Related Posts

Sa oras na matapos naman ang isolation at walang masamang nangyaroi at hindi nagkasakit o nagkaroon ng anumang sintomas, maaarin nang makihalubilo sa mga kasama sa bahay ang naapektuhan. Ngunit payo pa din na sa bahay muna ta huwag maglalalabas.

Lahat tayo ay naapektuhan ng makamandag na Coronavirus, gawin natin ang ating kontrinusyon at ito ay para mapigilan ang pagkalat ng Covid 19. Please stay at home and be safe!
Hanggang sa susunod na Huwebes.

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, at radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn). Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa DocRylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad