Abante Tonite Interactive

Ano-ano ang grounds sa nullity of marriage?

436

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
Magandang araw po Atty…tatanong q lang po yung sa nullity of marriage tungkol sa grounds about so­lemnizing officer.

Kasal po kami sa Mayor at ngayon ay hiwalay na. Mahigit pitong taon na po kaming kasal. Nung kinasal po kami, wala po yung mayor, nagpirmahan lang po kami at walang seremonyas na nangyari. Pagkapirma ay uwian na.

Pwede po ba pang mag-file ng nullity of marriage base sa sitwasyong ito?
Salamat po at more power.
John

Mr. John,
Kung pitong taon na kayong kasal ay luma­labas na sakop kayo ng Family Code of the Philippines at ng Local Government Code of 1991 kaya’t ang mayor ay may kapangyarihan nang mag-so­lemnize ng marriage.

Noong panahon na ang umiiral ay ang New Civil Code ay mayroon nang kapangyarihan ang mayor na magkasal ngunit ito ay binawi noong pinatupad ang Family Code noong August 1988. Ngunit nang ipasa at ipatupad ang Local Government Code ay muling naibalik ang kapangyarihan ng mayor na magkasal.

Related Posts

Sa sitwasyon ninyo, kung hindi ang mayor ang nagkasal sa inyo at walang seremonyas ng kasal na naganap ay ground ito para maipawalang bisa mo ang kasal ninyo ngunit dapat mong mapatunayan ito.

Kung ang nakapirma kasi sa marriage certificate ay ang mayor, mahihirapan kang patunayan na hindi nga siya ang nagkasal sa inyo ma­liban lang kung may pruweba ka na nasa ibang bansa siya na imposible para kay mayor na mag-solemnize ng marriage ninyo.

Tandaan mo rin na ang kasal ay masasabing valid kahit walang kapangyarihan ang nagkasal o nag-solemnize ng marriage kung pareho o ang isa na ikakasal ay naniniwalang may kapangyarihan at authority na magkasal ang nag-solemnize ng marriage. Ayon sa Art.

35 mg Family Code of the Philippines:
Art. 35. The follo­wing marriages shall be void from the beginning:
(1) xxxx
(2) Those solemnized by any person not legally authorized to perform marriages unless such marriages were contracted with either or both parties believing in good faith that the solemnizing officer had the legal authority to do so;

Kung pareho kayo na alam na hindi ma­yor ang nagkasal at ang taong humarap sa inyo ay walang kapangyarihan na magkasal ay maituturing na hindi valid ang kasal ninyo. Patuna­yan lamang nang maa­yos sa korte ang ebidensya lalo na tungkol sa walang se­remonyas dahil sa nananaig sa atin ang presumption of regularity in the performance of official functions kaysa sa isang testimonya na walang patunay.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/ 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.